I

191 2 0
                                    

-------------------------------
🔺Kabanata 1🔺



"Kamusta ang pakiramdam mo?"nagliligpit ako ng gamit ng tanungin ni Cara. Ngumiti ako.


"Ayos na ako"aniko. Dalawang linggo na ang lumipas simula ng ma-ospital ako. Hanggang ngayon ay medyo malabo parin ang lahat. Hindi ko maalala na naaksidente ako. Bagkus ay ang senaryo lang sa Santa Verde ang naalala ko.


May pagkakataon nga na pakiramdam ko ay hindi totoo ang lahat. Gusto kong ipilit sa mga kaibigan ko ang nangyari pero ayaw nilang tanggapin. Ang sabi nila ay hindi kami nagpunta ng Santa Verde. Walang nangyaring sunog at hindi namin binalak na akyatin ang Mt. Vernon. Para sa akin ay hindi kapani paniwala ang lahat.


Pero sa lumipas na araw ay hinayaan ko nalang. Siguro nga tama sila, hindi nangyari iyon. Baka isa lang talaga iyong panaginip habang nakaratay ako sa kama. At saka ang sabi ng doctor ay maaalala ko rin naman ang lahat. Hindi ngayon pero baka sa susunod na pagkakataon.


Sabay kaming lumabas ng classroom ni Cara. Last subject na namin ang history kaya sa cafeteria agad ang punta namin.

"Sinong taya ngayon?"tanong ko.

"Ewan? Si Gav yata"aniya. Ngumiti ako ng matanaw ang mga kaibigan na nag aasaran sa lamesa kung saan kami madalas tumambay.


"Hi! Sinong taya?"tanong ko agad pagka-upo. Tinuro nilang lahat ang busangot na muka ni Chip. Natawa ako.

"Akala ko ba si Gav?"tanong ni Cara.

"Nakipag jack en poy si Chip e. Sabi niya pag nanalo siya ibibigay ko yung last album ng paborito niyang band. Eh natalo, kaya sagot niya ang libre! Sige na pre! Pumila kana!"tawa ni Gav habag tinutulak tulak ang balikat ni Chip.

Ngumuso si Vina. "Gago! Bat ka nagpatalo? Eh kuripot ka pa naman!"aniya. Natawa ako bago luminga sa paligid.


"Si Rai?"tanong ko. Natigil sila sa asaran.

"Ewan don. Baka nasa klase pa"tugon ni Gav. Tumayo siya sa upuan  at inakbayan si Chip na halos dumikit na sa pwesto.

"Sige na pre. Gusto namin ng large pizza"ngisi niya. Nalukot ang muka ni Chip.

"Ang mahal nun!"reklamo niya agad. Kuripot talaga.

"Mura lang yon Chip. Sadyang kuripot kalang"irap ni Vina.

"Halika na, gutom na kami"wala ng nagawa si Chip ng hilahin siya ni Gav papunta sa counter. Naiwan kaming tatlong babae sa lamesa.

"How are you, Siara?"Vina suddenly asked. Ngumiti ako sa kaniya.

"Ayos lang, bakit?"

She shooked her head. "Wala naman. Stress day ngayon e. You know, exams"kibit balikat na tugon niya. Napabuntong hininga ako.

"Sinabi mo pa. Ang daming rereview-hin , jusko!"reklamo ko. Nagtaas ng kamay si Cara.

"Same here. Dapat hindi nalang ako nag nurse grabe! Mas madali pa siguro ang education na course"aniya.  Vina groan.

DSS 02: Crazy Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon