DARK SECRET SERIES #2:CRAZY DESIRE
This is Raile Gonville Pov. And also the mystery behind the man who looks like Tarah's son and their new neighbor in 'THE GOBLIN:DARK SECRET SERIES 1'. Enjoy reading.
__________________________
Raile's Pov"Ilayo niyo siya sakin! Halimaw siya! Papatayin ko siya!"rinig kong sigaw niya. Tumingin ako kay Papa na hawak hawak ang babaeng masama ang tingin sa akin.
She doesn't like me. She always telling me that I'm a monster. I looked at my hands that full of blood. Kanina, inatake ko ang kasambahay namin dahil nagugutom ako. Am I really a monster? Totoo ba ang sinasabi niya?
"K-Kuya"I looked at Raiser who's crying beside me. Nakatingin siya sa mga kamay ko na may dugo.
"Kuya, tell me you didn't eat ate Cella"aniya. Hindi ako sumagot kaya mas lalo siyang umiyak. Lumayo siya sa akin at tumakbo patungo sa kwarto niya.
Samantalang lumapit naman sa akin si Papa dala ang kadena. Lumuhod siya sa harapan ko para maglevel kami.
"Raile anak, sa basement ka muna ha? Ayaw ng Mama mo na makita ka"mahinahong aniya na sinisimulan ng ikadena ang kamay ko.
For a five years old child, I don't have a choice but to follow their words. Lagi akong nakakulong sa basement at hinahatiran lang ng pagkain. Minsan naiisip ko, why are they treating me like this?
Hindi ba ako mahal nina papa? Bakit lagi nalang galit si Mama sa akin? Halimaw ba talaga ako? Hanggang sa nagkaisip at lumaki ako ay nakakulong lang ako sa basement. Habang lumilipas ang panahon, unti-unti kong naiintindihan ang lahat.
I'm cursed. May sumpa ako. Kaya ayaw ni Mama sa akin ay dahil halimaw ako. Demonyo. Isang sampal sa aking pisngi ang nagpagising sa akin.
Nakakalokong ngisi ang binigay ng babaeng nagsilang sa akin na sinisimulan ko ng kasuklaman.
"Ano? Hindi ka raw kumain? Anong gusto mo? Sariwang laman ng tao?"taas kilay niyang tanong. Nanghihina ako, hindi ko rin alam kung bakit mas gusto ko ang sariwa kesa sa lutong karne. Hindi ako sumagot kaya muli niya akong sinampal.
"Halimaw ka talaga! Sinong tao ang kakain ng puso ng kapwa niya? Wala! Ikaw lang dahil demonyo ka! Sana namatay ka nalang!"sigaw niya. Lagi siyang pumupunta dito para sabihan ako ng masasakit na salita.
Hanggang isang araw, hindi ko na kinaya. Sa sobrang gutom at pagkatakam sa laman. Nagawa kong makawala sa kadena. Isang linggo na nila akong hindi pinapakain at para na akong mababaliw.
Nakalabas ako ng basement at tumakas. Kung saan saan ako napadpad. Kumakain ako ng puso ng biktima ko ng marinig ang tawa ng kung sino.
Naalerto ako at tiningnan ang isang lalaki. "Ayos ah? Hindi ko alam na may kahati pala ako rito sa bayan"ngisi niya. Naguluhan agad ako. Kumunot ang noo ko ng sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya. Tiningnan niya ang babaeng wala ng buhay.
"Hindi mo man lang ako tinirhan"aniya.
"Sino ka?"tanong ko. Bakit hindi man lang siya natatakot sa akin? Nakita niya ang ginawa ko. Bakit hindi man siya tumakbo?
Naglakad siya palayo, kumunot ang noo ko ng lumutang siya at naupo sa sanga ng kahoy. "Bakit ka nandito sa lugar ko?"tanong niya.
Tiningnan ko lang siya, nag-iisip ng dahilan kung paano siya nakalipad. Tumawa siya ng hindi ako sumagot.
"Oh right! Well, alam mo kasi hindi na bago sa akin ang makakita ng kapwa ko halimaw. I'm Ziediel by the way, and you? What kind of monster are you?"he asked.
BINABASA MO ANG
DSS 02: Crazy Desire
Misterio / SuspensoLove can make you crazy in any way. Loving Raile Gonville was the best thing that Siara did. Their relationship is almost perfect. He cares for her more than he care for his own life. He treat her like his princess that made her contented. Not until...