XI

101 3 0
                                    

  🔺Kabanata 10🔺





"Congratulations!!!"isang mahigpit na yakap ang iginawad ko kay Rai ng lumapit siya sa amin. Natawa pa ako ng magpasabog ng confetti si Chip.

"Naks! May attorney na kami!"sigaw niya. Dumiretso ang grupo namin sa isang restaurant para doon i-celebrate ang graduation ni Raile.

"Oh attorney, regalo ko sayo"tawa ni Chip at inabot kay Raile ang isang box ng condom. Nanlaki ang mata ko at namula sa hiya.


"Gago!"hampas ni Cara sa kaniya. Napuno ng asaran ang lamesa namin, nakangiti ako buong araw dahil sa kwentuhan nila.

"Grabe hindi ko makalimutan iyong araw na sinagot ka ni Siara, Raile! Pulang pula ang pisngi mo dahil sa kiss"tawa ni Chip. Lasing na siya at namumula na dahil sa alak.

Natawa ako ng maalala iyon. Tumango tango si Cara. "Para kang kamatis na napisa non Raile! Para kang bata na hindi alam ang gagawin! Kulang nalang tumakbo ka"segunda niya na lasing narin. Napailing ako. I can clearly remember how cute Raile was at that time.

"Sinabi mo pa! Eh nung ginulo nga natin date nila para siyang kuting na nahuli ng amo na kumukuha ng ulam"si Gav naman ngayon.

Tiningnan ko si Raile. Inaasahan ko na mahihiya siya dahil sa mga sinasabi nina Gav pero kabaliktaran iyon. Seryosong seryoso ang muka niya habang umiinom ng alak. Sa hitsura palang niya ay halatang hindi niya nagugustuhan ang mga sinasabi nina Chip.

"Hay ang sarap talagang balikan ng mga alala, diba Raile?"kumunot ang noo ko ng mahimigan ang pang aarok sa tono ng boses ni Vina. Simula kanina ay tahimik siya at ngayon lang nagsalita.

"Naalala ko para kang anghel na hindi makabasag pinggan. Ni hindi mo nga magawang titigan si Siara ng hindi namumula ang pisngi e"aniya pa. Sa halip na ngumiti dahil sa mga sinasabi niya ay mas nagdudugtong ang kilay ko.


Malakas na tumawa si Chip. "Tama! Sobrang lakas nga ng tawa ko ng halikan siya ni Siara sa labi nung birthday niya. Ang cute mo kasi para kang tuta!"aniya.


"At eto pa ha, laging humahaba ang nguso mo kapag may kausap na lalaki si Siara. Damn! You're the perfect soft boyfriend that every girl would want to have. But sad to say, you're not like that, Raile. Definitely not soft"ngisi ni Gav. Nilingon ko si Raile na sobrang dilim na ng awra. Mahigpit ang hawak niya sa baso ng alak.

"Naalala mo Siara"tumingin si Cara sa akin na sobrang lawak ng ngiti. "Hindi makahalik sa labi si Raile non dahil nahihiya siya. Puro noo lang ang kayang panindigan"aniya. Dugtong na dugtong na ang mga kilay ko dahil sa sinasabi nila. Bakit parang may laman ang lahat ng iyon?


Pakiramdam ko hindi lang ito basta basta pagkukuwento ng masasayang alala e. Parang pinatatamaan nilang lahat si Raile.

"True! Raile is the perfect boyfriend! Ang saya saya lagi ng barkada natin kapag kasama siya"ani Vina. Ngumisi siya kay Raile na parang anong oras ay sasabog na sa galit. 

Why is he mad, anyway? Hindi ba dapat masaya siya at ngumingiti dahil sa magandang alalang iyon?


"Tss tama na nga yan, baka lalong mahiya si Raile"ngisi ni Cara.

DSS 02: Crazy Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon