🔺Kabanata 9🔺
Lito ko silang tiningnan. Anong ibig nilang sabihin? Kitang kita sa muka nina Gav ang galit na hindi ko maintindihan. Huminga ako ng malalim at tinawanan nalang ang sinabi nila.
"Ano ba kayo? Wala lang talaga to"aniko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na nakuha ko ang mga pasa na ito dahil sa ginawa namin ni Raile nung isang gabi. Masiyadong nakakahiya yon.
Tumingin ako kay Cara ng hawakan niya ang kamay ko. "Hindi mo kailangang pagtakpan si Raile. Umamin kana Siara, sinasaktan ka niya diba?"nagdugtong ang kilay ko sa tanong niya. Bakit ba sobrang seryoso nila? Bakit kung makapag salita sila ay parang magagawa nga ni Raile na saktan ako?
Tinitigan ko silang apat. Why do I feel like there's something wrong?
"May hindi ba ako alam?"tanong ko. Nagkatinginan sila.
"Gago siya—"
"Vina!"putol ni Gav sa kung ano mang sasabihin niya. Lito ko silang tiningnan. Ano ba talagang nangyayari? Dati ko pa ito nahahalata e. Simula ng makalabas ako sa hospital dahil sa aksidenteng sinasabi nila na hindi ko naman maalala ay nagsimula na silang kumilos ng kakaiba. Nuong una ay hinahayaan ko nalang dahil baka masiyado lang akong nag-iisip. Pero ngayon hindi ko na alam.
"Just what the hell is happening? May hindi ba kayo sinasabi sa akin?"tanong ko. Luminga linga sa paligid si Chip bago bumulong.
"Sabihin na natin"aniya. Nagkatinginan silang tatlo nina Gav. Umiling si Cara.
"Sabihin ang ano?"taka kong tanong. "Ano ba talagang nangyayari?"
"Siara kasi—"
"Love"isang halik sa pisngi ang nagpatahimik sa kanilang tatlo. Nilingon ko si Raile na kunot ang noong pinagmamasdan ang mga kaibigan namin.
"What's wrong?"tanong niya.
"May pinag uusapan lang kami"tipid na sabi ni Cara na hindi na makatingin sa akin ngayon.
"Maraming pasa si Siara. Ikaw ang may gawa non diba?"biglang saad ni Vina. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang simpleng pagsiko ni Chip sa kaniya.
Raile looked at me before he sigh. Kita ko sa mata niya ang pagsisisi kaya ngumiti ako para i-assure na ayos lang.
"Sinasaktan mo siya"akusa ni Vina, matalim ang tingin sa lalaking katabi ko.
"Tumigil kana, Vina"saway ni Gav.
"It's not what you think guys okay? Hindi niya ako sinasaktan, its just...."uminit ang pisngi ko sa hiya. Hindi ko masabi. Paano ko sasabihin na dahil iyon sa kapusukan naming dalawa?
"It's my fault"lumingon ako kay Raile sa sinabi niya. Mas uminit ang pisngi ko. "I love Siara so damn much. She's mine and I can't help but to bite every part of her body as a mark of my territory—"tinakpan ko na ang bibig niya para hindi na siya makapagsalita ng kung ano ano. Pakiramdam ko para na akong kamatis sa sobrang pula. Bakit kailangan niyang sabihin yon?
BINABASA MO ANG
DSS 02: Crazy Desire
Mystery / ThrillerLove can make you crazy in any way. Loving Raile Gonville was the best thing that Siara did. Their relationship is almost perfect. He cares for her more than he care for his own life. He treat her like his princess that made her contented. Not until...