VI

114 3 0
                                    

🔺Kabanata 6🔺

"Birthday ni Chip bukas diba?"tanong ko kay Cara habang nililigpit ang mga gamit. Tumango siya.

"Yup! Kaya nga busy sina Vina eh"

"Saan daw gaganapin?"

"Sabi ni Gav sa bar daw"tumango ako. Sabay kaming lumabas ng room patungo sa sunod na subject.

"Libre niya?"ngisi ko. Napairap si Cara. "Libre? Sa kuripot ng hudas nayon? Eh si Gav nga lahat ang gagastos e"aniya. Natawa ako.


"Bakit si Gav? Buti pumayag ang isang yon?"


"Wala e, napikot siya"tawa niya. Napailing ako. Malamang na nagpustahan na naman ang dalawang iyon at talo si Gav.


"Anong oras? Hindi pa ako nakakabili ng regalo"aniko.

"8 pm to 12 ang gusto ni Vina. Yun ang napagkasunduan nila" Alas otso? Masiyado naman yatang gabi. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Pupunta ka?"tanong niya.


"Anong klaseng tanong yan? Syempre naman"


"Nagpaalam kaba kay Rai?"maingat niyang dugtong. Napaisip ako. Bakit ako magpapaalam? Hindi naman kailangan dahil malamang na pupunta din iyon.

"Pupunta din naman siya, hindi na kailangang magpaalam"aniko.


Hindi na siya nagsalita at tumango nalang. Pagkatapos ng klase ay tinext ko si Rai na pupunta ako sa mall para bumili ng regalo kay Chip. Duon narin ako maghihintay sa kaniya. Isang simpleng relo ang napili ko para kay Chip. Sakto namang pagkatapos kong bumili ay dumating narin si Rai.

"What do you want for dinner?"tanong niya ng maupo ako sa frontseat.


"Bakit magluluto ka?"

"Yeah, in my condo"naningkit ang mata ko ng ngumisi siya. "Anong ngisi yan, Rai?"

"What do you mean?"patay malisya niyang tanong. Umirap ako, halatang halata namang may binabalak siya.

"Sa apartment ka nalang magluto. Hindi ako pupunta sa condo mo"aniko. Nawala ang ngisi niya.

"Why? You don't like my place?"

"I like your place, Rai. But not your smirk"I said. He laughed.

"You're overthinking love. What do you think the meaning of my smirk huh?"he teased. I rolled my eyes again.

"Shut up!"

Sobrang laki ng ngisi niya habang pasulyap sulyap sa akin. "I bet you're thinking something strange"patuloy niya sa pang aasar.

"Tahimik! Mag drive kana lang"aniko at umiwas ng tingin ng mamula ang pisngi ko sa hiya. Buwusit!

"You're blushing. Don't worry love, I can make your imagination come true"hinampas ko na. Buong biyahe ay walang ibang ginawa si Rai kung hindi ang asarin ako. Ni hindi ko na nga namalayang nasa tapat na kami ng condo niya.

DSS 02: Crazy Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon