IV

125 3 0
                                    

------------------------
🔺 Kabanata 4🔺

Puyat ako ng magising kinabukasan. Hindi ako pinatulog ng mga nabasa kagabi. Kaya naman hindi na ako nagulat ng makitang alas diyes na ng umaga. Buti nalang talaga at wala akong pasok ngayon.

Bumangon ako sa kama bago nag-inat ng katawan. Nang mapatingin ako sa katabing lamesa ng higaan kung saan nakapatong ang cellphone ko ay binagabag na naman ako ng pagkalito.

I wonder who was the sender of that message. Bakit niya ako papadalhan ng ganoong klaseng mensahe? Kilala ko kaya siya? Kasi, base sa mga salitang ginamit niya ay parang kilala ko siya. Who would it be?

Ilang minuto akong nakatulala habang nakatingin sa pader at iniisip ang posibleng tao na nagpadala ng text. Kaya naman ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko ay napatalon ako sa gulat.

I looked at the man infront of my door. Nakangiting muka niya ang sumalubong sa akin.

"I'm glad you're awake, sleepyhead"naglakad siya palapit sa akin bago ako halikan sa pisngi.

"Anong ginagawa mo rito?"takang tanong ko. Sa pagkaka alala ko ay wala siyang sinabi kagabi na bibisita siya ngayon. Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Why? Don't you want me here?"he whispered. Gusto kong umirap. "That's not what I mean, Rai"aniko bago humiwalay sa kaniya at naupo sa kama.

"It's sunday so I want to spend my time with you. Siya nga pala, wala ng laman ang fridge mo. Bakit hindi mo sinabi sakin?"tanong niya.

"At bakit ko sasabihin sayo?"

"Is that a question, love? Of course, you must tell me. Para naman makapag grocery ako"umiling ako sa sinabi niya. Ito ang ayaw ko sa kaniya e. Sa relasyon namin, halos lahat siya ang gumagastos. Kahit nga ang renta sa apartment ko ay pinapakaelaman niya.

"Correction Mister. Ako ang mag go-grocery hindi ikaw"tinuro ko ang sarili. Ngumuso siya. Aalma na sana pero sinamaan ko ng tingin kaya busangot na tumango.

"Fine, sasamahan kita" 

Tumango ako. "Let's eat first. Bumili ako ng breakfast natin"aniya. Lumabas siya ng kwarto habang sumunod naman ako. Alas onse ng lumabas kami ng apartment para pumunta sa malapit na supermarket.

"You should pick more vegetables, love"komento ni Rai habang namimili ako ng mga karne.

"I'm not fond of veggies"simpleng ani ko bago nilagay ang isang pork sa basket. Raile sighed. Nasa kalagitnaan kami ng pamimili ng mapansin ko ang isang pamilyar na muka. Nagliwanag ang mata ko bago kinulbit si Rai na naglalagay ng maraming gulay sa basket.

"Si Tita!"masigla kong saad bago siya iwan at lapitan ang ginang na gaya namin ay namimili din.

"Mas masarap po ito"turo ko sa dalawang uri ng karne na nasa kamay niya. Ngumiti ako ng tumingin siya sa akin.

"Siara? Oh my hija!"binitawan niya ang hawak at hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Kamusta po Tita? Ang tagal na po ng huli ko kayong nakita"aniko.

DSS 02: Crazy Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon