🔺 Kabanata 12🔺
"P-paano? Paano nangyari to?"tumingin ako kina Cara.
"Ang sabi niyo paniginip lang yon? Akala ko ba hindi iyon totoo at dahil lang yon sa pagkakaaksidente ko?"lito kong tanong.
"I'm sorry, Siara. But it was all planned. Ang pagpunta natin sa Mount Vernon ay plano ni Raile. Pero maniwala ka wala kaming alam ng panahong iyon"ani Gav. Pinahid ko ang luhang lumandas sa pisngi ko.
Kung ganon totoo ang nangyari ng araw na iyon. Pero bakit umasta sila na parang wala lang?
"Papalakpak na ba ako? Ni hindi ko man lang napansin. Ang galing niyo kasing umacting ng araw na iyon. Nagawa niyo akong lokohin"mapait kong saad.
"We're sorry, Siara. Pero hindi mo kami masisisi. Pinagbantaan kami ni Raile. Hawak niya kami sa leeg kaya nanahimik kami at sumunod nalang sa gusto niya"ani Chip. Bakit nga ba hindi ko naisip yon? Simula ng araw na iyon ay nagbago sila. Naging weird at parang lagi nalang may gustong sabihin sa akin pero hindi naman nila magawa.
Mapait akong natawa ng maalala kung paano sila naging ilang kay Raile simula non. Bakit hindi ko man lang naisip? Napaka tanga ko naman!
Tumingin ako kay Tita Rina. "Yong tinutukoy niyo po bang halimaw ay ang ama ng dinadala ko?"tanong ko. Kahit na alam ko na ang sagot ay gusto ko paring makasigurado.
"B-buntis ka?"gulat nilang tanong. Muli kong pinahid ang luha ko sa mata. Tumango ako, kita ko kung paano halos panawan ng ulirat si Tita Rina.
Umiling siya. "Hindi pwede! Bakit hinayaan mong mangyari to? Gusto mong gumawa ng isa pang halimaw? Mapapasa sa kaniya ang sumpa, tulad ng nangyari sa asawa ko!"sigaw ni Tita. Natigilan ako. Anong ibig niyang sabihin?
"Kalahating halimaw din po ba ang asawa niyo?"takang tanong ni Cara. Hindi agad nakasagot si Tita Rina.
"Oo, pero hindi siya katulad ni Raile. Mabait ang asawa ko, hindi siya kasing demonyo ng halimaw na iyon. At wala narin siyang sumpa! Mabilis nawala ang sumpa niya ng mabuntis ako at manganak ng lalaki"paliwanag niya. Bigla akong nanlamig sa kaba. Isa lang ang ibig sabihin non diba?
Magiging demonyo rin ang anak ko? Napahawak ako sa tiyan ko bago umiling. Hindi! Hindi pwede!
"Patayin mo na yan ngayon din! Habang maaga pa, Siara! Patayin mo ang batang yan! Magiging halimaw din siya!"nanlaki ang mata ko ng itulak niya ako at subukang sipain ang tiyan ko.
Hinawakan siya nina Gav at pinigilan sa gustong gawin. Napaatras ako at humawak sa tiyan. Shit!
"Demonyo ang batang yan! Patayin mo na siya! Hindi siya pwedeng mabuhay! Magiging halimaw din siya! Kailangan niyang mamatay! Patayin mo ang batang yan!"sigaw ni Tita Rina at pilit akong inaabot. Nagkatinginan kami nina Gav.
"Tita huminahon po kayo!"awat nila.
"Huwag niyo akong pigilan! Gusto niyo bang magkaroon ulit ng halimaw?! Demonyo ang anak niya! Dapat mamatay ang batang yan!"patuloy niya.
"Tita Rina! Kumalma po kayo! Baka matuntun tayo ni Raile!"saway ni Cara. Tumingin si Tita sa akin bago sumulyap sa tiyan kong hawak ko.
BINABASA MO ANG
DSS 02: Crazy Desire
Tajemnica / ThrillerLove can make you crazy in any way. Loving Raile Gonville was the best thing that Siara did. Their relationship is almost perfect. He cares for her more than he care for his own life. He treat her like his princess that made her contented. Not until...