🔺Huling Kabanata🔺
He's snob but kind. Iyon ang unang ekspresyon ko kay Raile. Hindi naman sa literal na lagi siyang nakasimangot, hindi lang talaga siya madalas ngumiti.
Kinuha ko ang ballpen sa bag ko at pinaglaruan iyon habang nakatingin sa kaniya sa kabilang lamesa. May mga babaeng kanina pang gustong lumapit pero hindi nila magawa dahil natatakot sila. Paano ba naman kasi, muka siyang suplado at talagang parang walang pakiealam sa mundo. Last year ko na sa high school ng makilala siya.
Lagi ko siyang napapansin dahil laman siya ng mga balita. Kahit nga nasa kabilang campus ang college ay umaabot parin dito sa amin ang kagwapuhan niya. Ewan ko ba, nuong una curious lang talaga ako kung anong hitsura niya. Simula kasi ng lumipat ako dito sa school nato ay bukang bibig na siya ng mga kaklase ko.
Palagi silang pumupuslit patungo sa college campus para makita siya. Napapanguso na nga lang ako kapag ginagawa nila iyon kaya na curious ako lalo. Ganon ba talaga siya ka gwapo na dinadayo siya ng mga babae?
Kaya para matigil ako ay sumama ako sa pag puslit nila. Kaya heto kami ngayon, nakaupo sa katapat na lamesa ni Raile. Gwapo nga talaga siya. Kaya lang, mukang masama ang ugali e.
"Shit! Siara! Tumingin dito! Tiningnan niya ako!"hinampas ng kaklase ko ang aking braso. Nag iwas ako ng tingin ng makitang tumingin nga sa amin si Raile. Kunot ang noo niya. Mukang naingayan sa grupo namin.
"Lapitan na kaya natin? Three years nalang gagraduate na siya ng law diba?"anang isa. Muli akong tumingin sa banda ni Raile. Law student pala siya?
Tumingin ako sa mga kaklase ko ng tumayo sila at nagdesisyon na lumapit. Ngumiwi ako, grabe sobrang lakas ng loob nila para mag first move sa isang lalaki. Hindi ako sumama sa kanila at nanatili nalang sa pwesto ko. Pinagmasdan ko ang ginawa nila. Muntik na nga akong matawa ng biglang tumayo ang lalaki at walang pakundangang umalis dahilan para mapahiya sila. Umiling ako. Snobero talaga at masungit.
I thought it was the last time that I'll see him. Pagkatapos ko kasi siyang makita ay hindi na ako sumama sa mga kaklase. Kaya hindi ko talaga inaasahan na makikita ko ulit siya sa araw kung saan may problema ako.
"Watch out"aniya ng muntik na akong matumba dahil sa pagkakabangga sa kaniya. Anong ginagawa niya rito sa campus namin? Tumikhim ako at umayos ng tayo. Lumayo din ako sa kaniya dahil bahagyang nagdikit ang braso naming dalawa.
Kunot noo siyang nakatingin sa akin, nagtataka siguro kung bakit ako tumatakbo na parang may humahabol. At sa totoo lang, hinahabol talaga ako.
"Siara!"pumikit ako ng mariin ng marinig ang nakakainis na boses na iyon. Kailan niya ba ako titigilan? Inis akong lumingon at nakitang tumatakbo narin palapit sa akin si James. Ang sigang muka namang munggo ng classroom namin. Lagi nalang niya akong binabantayan at binubuwisit. Ilang beses ko na siyang ni reject pero hindi parin tumitigil.
"Kaasar"mariin kong bulong ng makalapit siya. Inayos niya pa ang buhok niyang gupit kabayo at ngumiti.
"Sa wakas naabutan din kita, bakit bigla kang tumakbo? Nalanta tuloy tong bulaklak ko dahil sa paghabol sayo"aniya. Ngumiwi ako habang hinihimas ang noo. Hanggang kelan siyang ganito? Hindi ba siya marunong makaintindi ng salitang 'leave me alone?'.
BINABASA MO ANG
DSS 02: Crazy Desire
Детектив / ТриллерLove can make you crazy in any way. Loving Raile Gonville was the best thing that Siara did. Their relationship is almost perfect. He cares for her more than he care for his own life. He treat her like his princess that made her contented. Not until...