-------------------------
🔺Kabanata 3🔺Tahimik akong pumasok sa loob ng kotse. Ramdam ko ang tingin ni Rai sa akin na para bang naninimbang. Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos maisip na magagawa niya iyon.
"Love"I heard him called. Hindi ako sumagot bagkus ay ibinaling ko ang tingin sa may bintana. Ayaw ko siyang kausapin. Mali ang ginawa niya kanina at dapat lang na harapin niya ang consequences non.
"Siara"sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero iniiwas ko iyon. I heard him sighed.
"Are you mad?"tanong niya. Sinong hindi magagalit sa ginawa niya? He just punched Mig without any valid reason! Ni wala namang ginagawang masama iyong tao.
"Love please, talk to me"he pleaded. I close my eyes before sighing. Nilingon ko siya. "Why did you do that?"
Nag iwas siya ng tingin. "He touched you. I....I was—"
"Jealous"putol ko. Umayos ako ng upo upang maharap siya ng maayos. "Pero hindi tama na suntukin mo siya, Rai. Hindi rason ang pagseselos para manakit. At kailan kapa naging seloso?"tanong ko. As far as I know, he was patient when it comes to this. Magaling din siyang magtago ng nararamdaman kaya ni minsan ay hindi ko siya nakitang nagselos. Kaya sobra sobra ang gulat ko kanina ng makita kung gaano siya kagalit sa simpleng yakap ni Mig.
Hindi siya sumagot. Hinagilap niya ang kamay ko. "I'm sorry"aniya. I sighed. "Hindi ka dapat sakin humihingi ng tawad"aniko.
Kita kong umigting ang panga niya. "Apologize to Mig" I said. Iniwasan niya ang tingin ko bago niya binuhay ang makina ng kotse.
"No way in hell"I heard him whispered.
"Rai"I warned.
"He deserved my punch, love"matigas niyang ani. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.
"He's at fault. He should know that he can't just hug a girl whenever he want. And probably not my girl. Not mine"ramdam ko ang riin ng pagkakasabi niya. Napabuga na lang ako ng hangin. I can't believe I'm hearing those words from him. Where the hell my soft Raile go? Bakit bigla siyang naging ganito?
'People change, Siara'
Bigla kong naalala ang sinabi ni Cara. Maybe she's right. Isang sulyap ang iginawad ko kay Rai bago nagsalita.
"You changed"aniko. I saw his jaw clenched as his grip on the steering wheel tightened. Itinuon ko nalang ang atensiyon ko sa labas habang nasa biyahe.
Nang makarating kami sa apartment ay hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako. Kusa akong lumabas ng kotse at walang lingon lingong nagtungo sa pintuan. Kinuha ko ang susi sa bag habang narinig ko naman ang pagsarado ni Rai sa pinto ng kotse niya.
BINABASA MO ANG
DSS 02: Crazy Desire
Mister / ThrillerLove can make you crazy in any way. Loving Raile Gonville was the best thing that Siara did. Their relationship is almost perfect. He cares for her more than he care for his own life. He treat her like his princess that made her contented. Not until...