Crazy Desire

126 2 0
                                    

🔺 Wakas 🔺

Isang ngisi ang pinakawalan ni Rai habang pinagmamasdan kami ni Raiser. Nang humakbang siyang muli palapit sa amin ay hinawakan na ni Raiser ang kamay ko. Agad dumako ang tingin ni Rai don. Tumagilid ang ulo niya kasabay ng pag-igting ng panga.


Napakurap nalang ako ng sa isang iglap ay tumalsik si Raiser. Tumama sa pader ang likod niya. Malakas iyon kaya napaubo siya ng dugo. Sumigaw si Cara, samantalang hindi agad ako nakagalaw.


Nilapitan siya ni Raile upang sakalin. Umangat ang paa ni Raiser sa sahig dahilan para sumugod si Cara. Pero mabilis si Raile. Isang tabig lang ang ginawa niya at si Cara naman ang tumalsik.

"Cara!"tawag ko. Naghanap ako sa paligid ng pwedeng ipanglaban. Nang may makitang isang maliit na tubo ay kinuha ko iyon. Nanginginig ang kamay ko ng tumingin kina Raile. Lumunok ako, hindi ko alam kung makakaya ko ba siyang saktan pero kung hindi ako kikilos ay baka mapatay niya ang kapatid.

Pikit mata kong ubod ng lakas na hinampas kay Raile ang tubong hawak. Nabitawan niya si Raiser na at bumagsak sa sahig. Ininda ang malakas na pwersa bago lumingon. Umatras ako sa takot ng makita ang pula niyang mata na nanggagalaiti sa galit.

Dahil nakaluhod siya ay kinuha iyong pagkakataon ni Raiser upang suntukin siya.

"Siara umalis kana!"sigaw niya sa akin. Nagsusuntukan na silang dalawa ni Raile ngayon. Isang hawak sa braso ang nagpaangat ng tingin ko kay Cara. Hinila niya ako.

"Tumakas kana!"aniya. Umiling ako, hindi ko sila pwedeng iwan dito.

"Ayoko"

"Alis na sabi! Kami ng bahala dito! Hindi ko iiwan si Raiser!"aniya pa at tinulak ako palabas ng pinto. Umiling ako habang umiiyak. Hindi ko sila iiwan, sa hitsura ni Raile ngayon hindi malabong patayin niya sila.

"Cara"

"Alis na!"nanlaki ang mata ko ng makalabas. Mabilis niyang sinara ang pinto kaya kinalampag ko iyon.

"Cara!"

"Tumawag ka ng tulong!"rinig kong sigaw niya sa loob. Para akong natauhan sa sinabi niya. Tama, kailangan kong makatawag sa pulis. Sa halip na magpatuloy sa pagkatok ay naglakad na ako paalis ng basement. Pilit kong pinakalma ang sarili habang naghahanap ng telepono.

Nanginginig ang tuhod ko at kamay. Muntik na akong mapasigaw ng makita ang katawan ni Gav na wala ng buhay. Puno ng dugo ang sala, mas naiyak ako ng makita si Chip na patay narin. Nagkalat ang dugo nila sa sahig, wakwak din ang dibdib at wala ng puso.

Humawak ako sa bibig ng masuka dahil sa karumal dumal na nakita. Patay na sila. Gustuhin ko mang umiyak nalang ng umiyak ay hindi ko magawa. Kailangan kong makatakas dito para makahingi ng tulong.

Nagtungo ako sa pintuan upang buksan iyon. Kaya lang nakalock, kahit anong sipa ko ay hindi magawang bumukas. Natigil ako sa ginagawa ng makarinig ng kalabog. Pagkatapos ay mahihinang yabag ng mga paa.

"Siara"muling ginapangan ng kaba ang puso ko ng marinig si Raile. Sa takot na makita niya ako at patayin ay tumakbo ako sa second floor upang magtago. Pumasok ako sa isang kwarto at sinarado iyon. Tumingin ako sa buong paligid para maghanap ng matataguan.

DSS 02: Crazy Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon