"FIRST ENCOUNTER"
RAIN p.o.v
"Mommy! Bakit hindi niyo ako ginising agad?!" Tanong ko kay mommy habang nagmamadaling isuot ang sapatos ko.
Ang date kasi ngayon ay February, 23, 2022 at may book signing ang sikat na writer na si kuya kib or also known as "Khightinblack" and yes... I'm one of those trying hard fans of him, I mean sino bang hindi? Marami na siyang na-published na libro at ang ilan sa mga yon at ginawa na din pelikula sa mga sinehan at telebisyon.
Sikat na nga gwapo pa...Hahaha joke lang wala pang nakakakita sa totoong mukha ni kuya kib at pag sinabi kong wala...wala talaga.
He's always wearing facemask all the time kaya hindi namin alam...
Lagi din siyang laman ng mga balita at entertainment shows sa tv, kaya masasabi kong para na siyang artista.
"Owee... I'm sorry sweetie nakalimutan kong may pupuntahan ka pala ngayong araw. I forget to write it in our daily calendar."
"S-sige po, aalis na ako mommy!"
"Dala mo ba lahat ng vitamins at gamot mo?"
"Opo!" Sigaw ko bago tumakbo palabas ng pinto agad akong pumunta kung saan nakapark ang kotse ko at agad ko iyong pinaharurot papunta sa mall kung saan gaganapin ang book signing.
Pagkarating ko agad akong tumakbo sa may venue ng event pero wala na ang mga tao doon.
Wth—!
"Bakit ngayon ka lang, Rain?" Tanong ni Yuki na best friend at kapwa ko fan girl.
"K-kasi—! Na-late ako ng gising yuki!"
"Hayst...I told you to avoid medicine that makes you sleepy."
"Ano bang magagawa ko eh, ganito talaga yung mga recommend medicine para sa 'kin? Nasaan si kuya kib?" Tanong ko. Bumuntong hininga si yuki tsaka ako hinawakan sa kamay.
"Sayo na tong libro ko na may pirma na ni kuya kib, at akin na yang libro mo para ako na ang humabol at magpapirma niyan sakanya." Ngiting sabi ni yuki sabay hablot saakin ng librong hawak ko.
Hahakbang palang siya palayo ng hawakan ko ang braso niya. Ngumiti ako tsaka umiling.
"As a number one fan, hindi ko hahayaan na ikaw ang magpapirma niyan para saakin! Paano na ang iniingatan kong reputasyon? Kailangan ako mismo ang magpapirma niyan para makita ko si kuya kib!"
"A-ah"
"Hahabulin ko siya!" Tumakbo ako hawak ang libro ko na papapirmahan ko kay kuya kib.
Ako nga pala si Rain Salvador isang senior high school student, sodiac sign ay leo at isang fan girl na may matinding heart condition...but it couldn't stop me anyways...
"Stoppp.....!" Sigaw ko ng makita si kuya kib na papasok na sa van niya. Ang daming mga fans kaya hindi ko alam kong narinig ba niya ang sigaw ko o hindi.
At ng malapit na ako sa van nanlaki ang mga mata ko ng maapakan ang sintas ng sapatos ko.
Eh?!
Baka hindi ko naayos ang pagkabuhol kanina dahil nagmamadali na akong pumunta dito. At ayon nga nagmukha akong tanga at nagpagulong-gulong ako sa makapal na alikabok sa sahig ng parking lot.
"Aray!" Bulong ko sa sarili habang nakapikit.
"Are you all right?" Napadilat ako sa mga salitang yon at naistatwa ako ng makita si kuya kib na nasa harapan ko at nakahayag ang kamay sa 'kin.
Itong yung mga scene sa mga romance book kung saan ako ang lading-lady at siya naman ang bidang lalaki.
Humawak ako sa kamay niya at agad na tumayo. Hindi ako makapagsalita I can't help but to stare him.
YOU ARE READING
PSST! MISTER WRITER (on-going)
RomanceAng pagmamahal talaga ang pinakamasayang pwedeng maramdaman at maranasan ng isang tao, pero pwede rin na ito din ang maging dahilan para magdusa at masaktan ang damdamin ng isa't-isa. Ang pagmamahalan sa pagitan ng isang idolo at umiidulo at ang mga...