"RUMORS"
CHAPTER 9RAIN p.o.v
Simula ng pagalis ng bahay kaninang umaga hindi ko parin nakikita si kib. Hindi ko din siya nakasabay sa pagpasok sa school ngayong araw na to kaya siguradong galit parin siya.
Pagkatapos niyang gawin yun sa 'kin kagabi siya pa tong may ganang magalit! Hindi ko na talaga siya papansinin...
"Hi, ate rain." Bati sa 'kin ni serine ng makasalubong ko siya sa may open area. Kasalukuyan kasi akong papunta sa cafeteria para mag lunch.
"Hi. Kakain kana ba? Tara sabay na tayo." Masaya kong saad bago siya hawakan sa braso. Habang naglalakad papunta sa may cafeteria natigilan kaming dalawa ni serine ng may humarang sa daan namin.
Apat silang babae at lahat sila ay galit na nakatitig sa 'kin habang nakapamewang.
"Anong kailangan niyo saamin?" Tanong ni serine. Hindi sila sumagot sa tanong ni serine at naglabas sila ng mga boteng may lamang kung anong likido sa loob.
Lagot...
Napatingin ako kay serine ng harangan niya ako. "Serine..."
"D'yan ka lang sa likod ko ate rain. Hindi ko hahayaang masaktan ka." Nakangiting saad niya. Napapikit ako ng itapon ang mga babaeng yun ang laman ng mga bote saamin ni serine. Kasabay nun ang halakhakan nilang lima.
Ihi ba to? Ang baho...
"Ang bango hindi ba? Ganyan din kasi ang naaamoy namin kapag nakapaligid ka saamin rain. Anong relasyon niyo ni kib?"
"Slave ka hindi ba, pero bakit kung umasta ka parang kang gf o kung ano man ang relasyon niyong dalawa." Yan ang mga sinabi ng dalawang babae.
"Kasi—!" Natigilan ako ng lumapit sa 'kin ang babaeng sa palagay ko ay ang pinaka leader ng grupo nila. Hinarangan ako ni serine pero itinulak siya nito kaya siya napasalampak sa lapag.
"Ang kinis at ang ganda mo naman." Sabi ng babae habang hinihimas ang buhok ko.
Compliment ba yun? Kailangan ko bang mag thank you dahil sa sinabi niya?...
"Thanks." Napaaray ako ng bigla nitong hatakin ang buhok ko. Ang higpit ng pagkakahawak niya dito kaya napahawak ako sa kamay niya para bawiin ang buhok ko mula sakanya.
"Tsk, baliw kaba talaga? Tingin mo talaga nagagandahan ako sayo?! Naiinis ako kasi ang plane mong babae tapos lagi kayong magkasama ni kib."
"D-dahil nga sa slave niya kaya syempre lagi ko siyang kasama!" Tatayo na sana si serine pero agad akong umiling ng makita ko siya na agad niyang ikinatigil.
Ayuko pa siyang madamay o masaktan dahil sa 'kin, mas magandang tumingin nalang siya sa tabi...tsaka kaya ko naman ang sarili ko.
Ayukong maging pabigat sa mga taong nakapaligid sa 'kin...
"Ikaw—!" Aambahan na sana ako ng sampal ng babae kaya napapikit ako pero nagtaka ako ng ilang segundo na ang nakakalipas pero wala pang palad ang dumadampi sa pisngi ko.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at nakita ko ang isang lalaking papalapit sa 'kin. Matangkad, may mga kadena ang suot nitong uniform at may mga persings sa bibig at dalawang tenga.
Adik?
"Don't do that stuff, Beverly." Sabi nito sa babae. Binitawan ng babae ang buhok ko at umatras papalayo sa 'kin. Bakas ang takot sa mukha ng babae at nanginginig ang mga tuhod nito habang nakatingin sa lalaki.
"T-tara na!" Sigaw ng babae bago tumakbo papalayo kasama ang mga kasama nito.
"Sorry about that, rain." Nakangiting sabi ng lalaki bago tulungang makatayo si serine.
YOU ARE READING
PSST! MISTER WRITER (on-going)
RomanceAng pagmamahal talaga ang pinakamasayang pwedeng maramdaman at maranasan ng isang tao, pero pwede rin na ito din ang maging dahilan para magdusa at masaktan ang damdamin ng isa't-isa. Ang pagmamahalan sa pagitan ng isang idolo at umiidulo at ang mga...