Chapter 11

3 2 0
                                    

"ALLERGY"
CHAPTER 11

RAIN p.o.v

Habang kumakain kami nila basti sa may cafeteria hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Halos lahat kasi ng naririnig ko ay tungkol nalang kanila Althea at kib. Alam pala ng publiko ang tungkol sa naging relasyon nilang dalawa dati.

"Lilipat dito si althea dahil kay kib. Pagkatapos niyang maging successful model sa ibang bansa, u-uwi siya para naman kay kib para sa relasyon nilang dalawa! Nakakakilig naman silang dalawa!"

"Alam kong fake news yung kay kib at rain, hahaha alam naman ng lahat na si Althea lang ang nagi-isang babaeng mahal ni kib."

"Ang super model at ang super popular writer ay magsasama dito sa school! Kinikilig na ako ini-imagine ko palang"

Yan ang ilan sa mga pinag-usapan ng lahat.

Inilabas ko lahat ng gamot ko atsaka yun ininom isa-isa. Dumapo ang paningin ko kay leo at basti na mukhang nagaalala sa 'kin.

"Bakit ganyan kayo nakatitig sa 'kin? Ayos lang naman ako, hahaha"

"Hayst, alam mo kilala kita simula noong high-shool tayong dalawa. Lagi kitang tinitingnan kung alam mo lang."

"Then? Anong gusto mong sabihin leo?"

"Gusto ko lang sabihin na alam kong hindi ka okay. Malungkot at nahihirapan ka din sa nangyayari kahit hindi ka magsalita."

"Tama si leo mukha kang malungkot at napapansin kong lagi kang maputla this days. Okay ka lang ba talaga?" Tumango ako kay basti bago ngumiti.

"Okay lang talaga ako. Nagpa-checkup na kami ni mommy at wala naman daw problema sa 'kin." Ngumiti sila basti at leo ng marinig nila yun mula sa 'kin.

"Mabuti yan. Masama sa puso mo ang masyadong pagiisip."

"Una na ako sainyong dalawa." Paalam ko sa kanila bago bitbitin ang tray na pinagkainan ko.

Tumayo ako sa pagkaka-upo para ilagay na ang tray na pinagkainan ko sa may lababo ng cafeteria atsaka naghugas na din ng kamay.

Ilang araw na din simula ng ipaalam sa lahat na dito magaaral si Althea at simula noon naging mainitin ang ulo ni kib. Hindi na din siya sa 'kin sumasabay sa pagpasok sa school, lagi na kaming hiwalay sa pagpasok at pag-uwi.

"May gagawin ka mamayang uwian?" Tanong ni basti sa 'kin habang inilalagay niya ang tray na pinagkainan din niya sa lababo. Umiling ako tsaka tumingin sakanya.

"Wala naman akong gagawin pagkatapos ng klase, bakit mo naitanong?"

"I want you to watch me while I'm practicing."

"Sige, pupunta nalang ako mamaya sa court. Malapit na din pala yung laban niyo kaya nagpra-practice kang mabuti para doon."

"Gagawin ko ang lahat para manalo kami. Roaring tigers will be the best team not only in this district but internationally." Mukhang diterminado talaga siyang manalo. Hindi ko din siya masisi marami ng pinagdaanan ang team niya at ito na ang pinaka huling laban para makapasok ang roaring tigers sa finals.

"Aabangan ko na manalo kayo!" Masayang saad ko bago siya hawakan sa balikat.

"Mananalo ako para sayo, rain."

Sabay kaming bumalik sa loob ng classroom at nagtaka kaming dalawa ni basti ng makita namin si fatima sa may pinto ng classroom namin.

Sinalubong niya kaming dalawa ni basti ng makita niya kaming palapit sa classroom.

"Kanina ko pa kayo hinahanap."

"Huh? Pero bakit?"

"Para ibigay tong cake, paghingi ko na din yan ng sorry sa ginawa kong gulo sainyo noong nakaraang araw." Ibinigay niya saamin ang isang puting box na agad ko din namang tinanggap. "Strawberry favor ang cake na yan at ako mismo ang gumawa kaya, garantisadong masarap...simula ngayon mag kakaibigan na tayo ah!" Pagkatapos niyang sabihin ang mga yun agad na tumakbo palayo si fatima at iniwan kaming dalawa ni basti.

PSST! MISTER WRITER (on-going)Where stories live. Discover now