"MISUNDERSTANDING"
CHAPTER 12RAIN p.o.v
Tahimik ako habang nag-aalmusal, hindi ako makatingin ng diretsyo kay kib at ganoon din ako kay tito arthur. Hindi ako nakatulog ng mabuti kagabi dahil sa kakaisip sa nangyari.
Tahimik ang lahat na kumakain ng almusal at walang sino man ang nagsasalita saamin.
Weird.
All this time I'm so jealous to those kids or people who have there dads because I lost my dad in a very young age, but this time i realized that not all people is happy or have a good bound to there parents.
And this time, kib hated his dad without knowing those sacrifices and know how hurts the word “I hate you, dad” really means for tito.
"Ang tahimik niyo ata, may nangyari ba?" Nabasag ang katahimikan ng buong paligid ng magsalita si tita.
"W-wala naman po tita." Ngiting sagot ko. Napatingin ako kay kib ng bigla siyang tumayo sa kinau-upuan niya.
"I'm done eating. I have to go." Malamig na saad ni kib bago tuluyang umalis.
"Paano si rain! Hindi mo ba siya isasabay sa pagpasok?!" Natigilan si kib sa paglalakad tsaka ako tinapunan ng malamig na titig.
"May kotse siya at isa pa wala naman siyang kapansanan para ihatid ko pa siya sa school." Naglakad ulit si kib papunta sa labas ng bahay. Napabuntong hininga nalang ako tsaka sumimsim sa kapeng nasa harapan ko.
Mukhang malungkot siya ngayon...
Pagkatapos kong magalmusal pumunta na agad ako sa labas para pumunta sa parking lot. Inilabas ko ang susi ng kotse ko bago pumasok sa loob.
Habang papunta sa school naagaw ang pansin ko sa isang maliit na box na nasa gitna ng kalsada kaya lumabas ako ng kotse para tingnan yun.
Nagulat ako ng may itim na tuta sa loob ng box. Marumi at tila may pilay pa siya sa kanang binti. Napangiti ako ng dilaan niya ang kamay ko.
Cute.
"Arf..arf..." Kinakaway nito ang buntot niya na para bang masaya siyang makita ako. Binuhat ko ang box at inilagay yun sa backseat ng kotse ko.
Binilisan ko na din ang pagda-drive papunta sa school dahil malapit na akong malate.
Pagpasok ko sa classroom nakahinga ako ng maluwag ng hindi pa nagsisimula ang klase. Ngumiti at kumaway ako ng makita ko si basti na as usual ay nakangiti din sa 'kin.
"Okay kana ba?" Tanong ko sakanya.
"Oum, salamat sa pagbabantay sa 'kin."
"Makakahinga na ako ng maluwag dahil ayos kana."
"Mukhang malungkot ka ah, may nangyari ba kagabi ng umuwi ka sa bahay niyo? Nagalit ba si kib sayo dahil sa binantayan mo ako?" Sunod-sunod na tanong niya sa 'kin. Bumuntong hininga ako tsaka tumapon ng tingin sa may pisara.
"I think this isn't the right place to talk about that stuff. Mamaya ko ikwe-kwento." Tumango nalang si basti bago umayos sa pag-upo.
Pagkarating ng teacher namin lumabas na agad ang lahat ng mga ka-klase ko papunta sa open area para sa p.e namin at naiwan ako mag-isa dito sa classroom.
I'm thinking to make a move for tito and kib. I want them to make up, but how? Natigilan ako sa pagiisip ng bagay na yon ng maisip ko yung tuta na ngayon ay nasa loob ng kotse ko.
Tutal ako lang din ang tao dito kaya wala naman sigurong masama kung titingnan ko saglit yung tuta...
Habang naglalakad papunta sa lugar kung saan naka-park ang kotse ko natigilan ako sa paghakbang ng matanaw ko si kib at ang tuta. Na naglalaro. At base sa mga mata ni kib mukhang nage-enjoy siya sa ginagawa niya kaya hindi na ako tumuloy.
YOU ARE READING
PSST! MISTER WRITER (on-going)
RomanceAng pagmamahal talaga ang pinakamasayang pwedeng maramdaman at maranasan ng isang tao, pero pwede rin na ito din ang maging dahilan para magdusa at masaktan ang damdamin ng isa't-isa. Ang pagmamahalan sa pagitan ng isang idolo at umiidulo at ang mga...