"COLD"
CHAPTER 8RAIN p.o.v
"Gising kana pala." Nakangiting sabi ko ng makita kong dumilat ang mga mata ni kib. Kanina pa natapos ang klase naming dalawa at mabuti naman ay gising na siya.
I'm so worried about him. I don't want to see him to be like this...
"Why you didn't wake me up?" Taas kilay nitong tanong sa 'kin bago subukang tumayo pero napaupo ulit siya sa may kama. Lumapit ako para tulungan siyang makatayo.
"I know you need me kaya tara na sa kotse." Bumuntong hininga muna siya bago umakbay sa balikat ko. I Know that he didn't want someone to help him, dahil ayaw niyang nagmu-mukhang mahina sa paningin ng iba.
Pagkadating namin sa kotse isinakay agad siya ng driver namin para umuwi na sa bahay. Ilang minuto lang at nakarating na agad kami sa bahay.
"What happened?!" Nagaalalang tanong ni tita alma ng makita niyang inaalalayan ko si kib papasok.
"I think kib catch a cold, Dahil ata to sa pagsugod niya sa ulan para iligtas ako noong nakaraang araw."
"I see. Ipunta mo muna siya sa kwarto niya at kukuha lang ako ng maligamgam na tubig."
"Sige po." Inalalayan ko siya papunta sa kwarto niya at agad siyang inihiga sa kama niya.
"T-thanks, rain." Napangiti ako ng marinig yun mula kay kib. Napatingin naman ako sa may pinto ng kumatok mula doon si carlo na dala ang isang maliit na palanggana at isang towel.
"Ito na yung towel, kuya ayos ka lang?" Tanong nito sabay lapit kay kib.
Kinuha ko naman yung palanggana na may towel at dahan-dahan ko yung pinipigaan.
"Yup. I'm fine...baka bukas lang maayos at makakapasok na ulit ako sa school." Ngiting sabi nito bago hawakan si carlo sa buhok.
This is why i really love him. Dahil kahit nasa masama na siyang kalagayan ipinapakita niya parin sa iba na ayos lang siya.
"What are you looking at?"
"H-ha?! W-wala naman hahahaha...ang cute niyo lang tingnan, sana lang may kapatid din ako."
"Carlo, lumabas ka muna may ipapagawa lang ako kay rain ng kaming dalawa lang." Napalunok ako ng sabihin niya yun.
May ipapagawa siya ng kaming dalawa lang?...but wait! Ahemmm ano ba tong iniisip ko!
"Pervert..!" Napatakip ako ng bibig ng maisigaw ko ang salitang yun, na halata din na ikinagulat ni kib. Nakatingin kasi siya sa 'kin ng masama na ikinaiwas ko ng tingin sakanya.
"What?!"
"Huh? W-wala akong alam!"
Lumabas ang mga salitang yun ng hindi ko manlang pinagiisipan!
Am i stupid? Gosh, rain nakakahiya ka!
"Hindi kaya—!" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng itakip ko sa bibig niya ang towel na hawak-hawak ko.
"M-mali lang ang iniisip mo!" I'm so embarrassed right now. I don't know what to do.
Baka pervert na ang tingin niya sa 'kin...isang fans na may pagnanasa sakanya...oh god.
"Sorry to offend your expectations but I'm not that kind of a man, hindi ko gagawin ang bagay na yon—" Tumigil siya sa pagsasalita tsaka ako tinitigan mula ulo hanggang paa. "Lalo na sa babaeng tulad mo." Dagdag pa niya.
Ouch naman sa last part...
"B-bakit naman?!" Medyo inis ko pang tanong sakanya bago humawak sa baywang ko.
YOU ARE READING
PSST! MISTER WRITER (on-going)
Storie d'amoreAng pagmamahal talaga ang pinakamasayang pwedeng maramdaman at maranasan ng isang tao, pero pwede rin na ito din ang maging dahilan para magdusa at masaktan ang damdamin ng isa't-isa. Ang pagmamahalan sa pagitan ng isang idolo at umiidulo at ang mga...