Chapter 28

8 1 0
                                    

"FORGIVENESS"
CHAPTER 28

RAIN p.o.v

Napatingin ako kay mommy habang humihigop ng mainit na tsaa. Kasalukuyan kaming naka-upo dito sa may living room. She's so busy doing those office works.

"May problema ba rain? Kanina kapa patingin-tingin sa 'kin, do you want to talk?" Tanong nito sa 'kin na agad kong tinanguan.

"Gusto ko sanang makausap si daddy ngayong darating na fathers day kung okay lang sayo."

"Sure." Nagulat ako sa sagot ni mommy, because i expected na hindi siya papayag sa gusto ko.

"Hindi naman kami pwedeng magalit nalang sa isat-isa habang buhay. Napatawad ko na ang daddy mo at dapat ikaw din, let's accept the fact that he had a new family and the only thing that we can do for him is to support him." Nakangiting saad ni mommy bago bumalik sa ginagawa niya.

"Tama ka mommy. Tommorow kakausapin ko si daddy at pakinggan ko ang paliwanag niya."

"Gawin mo yan anak."

Pagkaakyat ko sa kwarto ko agad kong kinuha ang cellphone ko at agad na tumatawag sa bahay nila.

"Hello?"

"Yes? This is salvador's resident how may i help you?" Rinig ko sa kabilang linya. Boses yun ng babae at alam ko kung kanino yun.

"Ummm...i need to talk to dad, kung pwede lang sana."

"Rain ikaw pala yan! Nako matutuwa ang daddy mo kapag nalaman niya na tumawag ka!" masayang saad ng asawa ni daddy.

"Nasaan po siya? can i talk to him?" Tanong ko na ikinatahimik nito sa kabilang linya.

"May important meeting kasi ang daddy mo ngayon kaya wala siya ngayon dito sa bahay. pero kung may sasabihin ka sa 'kin nalang, siguraduhin kong makakarating sa daddy mo." Bumuntong hininga ako bago ngumiti.

Hindi na dapat ako magulat sa ganitong pangyayari kasi lagi nalang siyang busy kapag kailangan ko siya.

"Wag—!" Natigilan ako ng unahan niya akong magsalita.

"please rain...sabihin mo na sa 'kin. your dad really wants to talk to you kaya please sabihin mo na kung ano man yan." I feel her concern about my dad and I relationship kaya huminga muna ako ng malalim bago tuluyang magsalita.

"Tommorow 3 o'clock puntahan niya ako sa favorite place ko... maghihintay ako..." Pagkasabi ko noon ay agad ko ng binaba ang tawag tsaka humiga sa kama ko.

Darating kaya siya bukas? And if he really know me alam niya din ang paborito kong lugar...at kahit ganaano pa siya ka-busy gagawa siya ng paraan para makita niya ako bukas.

This is the last chance, I hope this time we'll gonna make up

Kinabukasan maaga akong naghanda para puntahan si kib. balak niya din kasi akong samahan and I don't see anything wrong with it that's why I agreed with him.

"Are you feeling well?" Tanong sa 'kin ni kib na ikinatingin ko sakanya. Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya at kasalukuyang papunta sa villa namin sa may quezon kung aaan kami magkikita.

"Of course I am!" Taas noo kong sagot sa tanong niya. Tumawa siya ng malakas ng marinig ang sagot ko kaya hindi ko maiwasang mapatingin sakanya.

What's wrong with this guy?!

"Don't look at me like that!" Saway niya sa 'kin bago siya tumigil sa pagtawa.

"Bakit mo ba kasi ako pinagtatawanan?!" Galit kong sita sakanya.

"Sinasabi mo kasi na okay ka lang but your body is not cooperating with your words."

Huh?!

Natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko.

PSST! MISTER WRITER (on-going)Where stories live. Discover now