Chapter 20

5 2 0
                                    

"IPIS"
CHAPTER 20

RAIN p.o.v

Kanina pa ako pabalik-balik dito sa loob ng kwarto ko. Magi-isang oras na kasi simula ng umalis si kib dito sa bahay para lumabas at hanapin si hope pero hindi parin siya dumadating.

Nasaan na kaya siya?

Binuksan ko agad ang pintuan ng may biglang kumatok dito pero nadismaya ako ng makita ang isa naming katulong na may dalang isang baso ng gatas.

"Inumin niyo na daw po yan bago kayo matulog...at wag daw po kayong masyadong magalala kay sir raymond, sabi ni ma'am alma." Paalala ng katulong.

"Sige."

Bumuntong hininga ako bago ipunta ang isang baso ng gatas sa ibabaw ng table lamp ko.

Umupo ako sa dulo ng kama ko atsaka pabagsak na humiga. Maya-maya pa ay nakaiglip na agad ako.

Arfff! Arrrfff!

Agad akong nagdilat ng mga mata ko ng marinig ko ang tahol na nanggagaling sa bandang gilid ng tenga ko at hindi nga ako nagkamali, Si hope!

Niyakap ko agad si hope at hinalikhalikan kahit na halatang medyo basa ito sa ulan at may unting mga putik sa paanan.

"Selos ako." Halos mapatalon ako dahil sa gulat ng may magsalita kung saan kaya agad kong iniikot ang paningin ko para hanapin kung saan nanggaling ang boses na yon.

"K-kib?!" Saad ko ng makita ko siyang nakaupo sa studying table ko. Puro putik ang suot na damit at pantalon at basang-basa sa ulan.

"Sorry natagalan akong mahanap si hope..." Ngiting saad niya bago tumayo.

"Naligo kana." Utos ko sakanya.

"Oo nga kaya nga pupunta na ako sa baba para maligo, sira kasi yung c.r ko at ipinapaayos pa yon ni mommy."

"Edi dito ka nalang maligo." Nanlaki ang mga mata ko ng masabi ko ang mga salitang yon.

"Ha?"

"D-dito ka nalang...ma-maligo!" Sigaw ko bago maglakad papunta sa may pintuan.

"Pero—!"

"Maligo kana d'yan sa banyo ko at don't worry ako na maghahanda ng damit at shorts na su-suotin mo." Saad ko bago lumabas ng pintuan.

Pumunta ako sa kwarto ni kib at agad na pumunta sa closet ni kib...sobrang daming kalat ng kwarto niya pati closet magulo din.

He's a writer but his room is a total messed. Paano kaya siya nakakapag-isip sa ganito kagulong lugar? Hasystt

Pagkatapos kung kumuha ng t-shirt at shorts pumunta naman ako sa may kabinet para kumuha ng underwear niya. Kumuha ako ng isa at inilagay yun sa mga dala kong damit.

Wait a minute...

I just realized that this underwear is belong with him that's why maybe I'm gonna—!

"Nope! I'm not a pervy one!" Saway ko sa sarili bago pumunta ulit sa kwarto ko para ibigay kay kib ang mga gamit na dala ko ngayon.

"Ito na yung mga damit mo!" Sigaw ko.

Lumabas si kib sa may banyo ng nakatakip lang ang manipis kong tuwalya sa ibabang parte ng katawan niya.

Damn you Raymond!

"What are you lookin' at?" Seryusong tanong niya habang nakatingin sa 'kin.

"Nothing! Ito na yung damit mo." Saad ko bago iabot sakanya ang dala ko.

"The fuck! Even my underwear?!"

"Oo naman bakit hindi? Hindi ka ba nagsu-suot ng brief?!"

"Hindi yan ang point ko! Dapat ako na ang kukuha hindi yung dinalhan mo na ako nito... it's embarrassing!" Reklamo nito.

PSST! MISTER WRITER (on-going)Where stories live. Discover now