Chapter Fourteen

167 4 0
                                    

“Uy, Amethyst! Bakit late ka?”

Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit matapos akong kalubitin ng katabi ko, si Nadia.

Tinigil ko ang ginagawa at hinarap siya saglit. Puno ng kuryosidad ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin. Nakapangalumbaba pa siya sa desk at halatang kanina pa siya nakamasid sa akin.

“Na late lang ng gising.” pag-sisinungaling ko dahil hindi pa naman ako komportable na sabihan siya ng mga nangyayari sa akin.

Tsaka isa pa, nahihiya naman akong sabihin ang tunay na dahilan dahil baka pagtawanan niya lang ako.

Misunderstanding lang naman ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Seven kaya kami na late parehas at dahil umiral na naman ang pagiging sensitive at softhearted ko.

“Inantay ka ni Seven?” puno ng kuryosidad sa tonong tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Hindi naman siya mukang mataray habang tinatanong 'yon dahil bakas lang ang kuryosidad sa muka niya kaya naman ipinagsawalang bahala ko na lang ang nakataas niyang kilay.

“Hindi. Coincidence lang. Na late rin siya ng gising, e.” sagot ko bago siya sulyapan saglit. Ganoon pa rin ang posisyon niya kagaya kanina.

“Sabay kayong umuuwi at pumapasok 'di ba?” tanong pa niya kaya naman nabaling na ng tuluyan sa kaniya ang buong atensiyon ko.

Kinunutan ko siya ng noo at nagtataka siyang tiningnan.

“Paano mo alam?” kunot noong tanong ko na ikina-kibit balikat naman niya bago mapa-ayos ng upo.

“Nagtanong ako kanina sa mga kaklase natin kung bakit ka absent. Sabi nila ay hindi nila alam at itanong ko raw kay Seven dahil kayo raw ang madalas magkasabay.” kibit balikat na usal niya na parang wala lang ang pagbibigay niya ng impormasyon sa akin.

Natahimik ako saglit. Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. She seems so curious about me and Seven. Para bang may gusto siyang malaman tungkol sa aming dalawa at kailangan ay agad-agad niyang malaman kung ano 'yon.

I can pinpoint it but it sounds like she wants to know more about us?

“Sorry, ah. Nakukulitan ka na 'ata dahil medyo matanong ako.”

Nabalik ako sa ulirat dahil nagsalita ulit siya. Napansin niya yata ang biglaang pananahimik ko.

Nawala ang kunot sa noo ko at wala sa sarili siyang tiningnan. Inosente siyang nakatingin sa akin na bahagya kong ikina-kurap-kurap.

“H-hah?... Wala 'yon. Halata namang curious ka lang.” pagwawalang bahala ko  bago maisipang isukbit na ang bag sa aking balikat.

“May kasabay kang maglunch?” tanong niya pa no'ng tumayo ako at ayusin ang upuan ko.

Sasagot na sana ako na kasabay ko si Seven ngunit hindi ko naituloy dahil sa tumunog ang cellphone ko, senyales na may nag-text.

Sinenyasan ko si Nadia na sandali lang na ikinatango naman nito bago ko kuhanin sa bulsa ng palda ko ang aking cellphone.

Pagbukas ko ng screen ay napakurap-kurap agad ako dahil sa pangalan ng text sender na nagpop-up sa screen ng cellphone ko, text iyon ni seven.

Mauna ka ng mag lunch. May biglaang meeting ang SSG kaya hindi ako makakasabay sa'yo. Sorry, bawi na lang ako, ami.

From:Pito
Just now

Basa ko sa text niya. Napabuntong hininga ako at bahagyang nadismaya dahil hindi ko siya makakasabay mag-lunch ngayon. Nakalimutan kong bukod sa palaging pagiging leader niya sa group projects sa classroom ay isa rin nga pala siyang President ng Supreme Student Government. Hysst...

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon