BITBIT ang jacket sa aking braso ay maingat kong isinara ang front door ng bahay namin. Naaninag ko na kasi si Seven sa labas ng gate kaya naman naisipan ko ng lumabas.
Gaya nga ng sinabi niya kanina ay sinundo niya ako. Sabay kaming umuwi kanina at umuwi siya saglit para magbihis. Ilang minuto lang naman ang itinagal bago siya nakabalik.
Matapos maisara ang pinto ay lumabas na ako ng gate at isinara rin iyon kaagad.
Bumungad naman kaagad sa akin si Seven habang nakasakay siya sa bike na may upuan sa likod. Muntik pa akong matawa dahil may basket pa sa unahan ang bike niya.
Siguro ay bike ni Lola esme ang gamit niya.
"Ano 'yan? Ginamit mo pa yata ang bike ni Lola esme." natatawang usal ko na ikinatawa niya rin naman.
"Hiniram ko 'to. Mas mabilis kasi kung mag-ba-bike tayo papunta ro'n, e." nakangiting sabi niya na tinawanan ko lang ng mahina.
"Tanggal angas mo diyan, ah?" usal ko sa nang-aasar na tono na matunog niya namang nginisihan.
"Sumakay ka na kung ayaw mong iwanan kita at paglakarin papunta ro'n. Aasarin mo pa ako, e." nakangusong sambit nito bago i-ayos ang bike na ikina-tawa ko naman.
"Biro lang. Ang cute mo kayang tingnan. Napaka thoughtful pa." tawa ko bago umayos ng upo sa likuran ng bike niya.
"Kumapit ka." utos niya na sinunod ko naman.
Ikinawit ko ang isang kamay sa ilalim ng inuupuan ko bago siya bahagyang bungguin gamit ang balikat ko.
"Okay na. Umalis na tayo." masayang turan ko matapos kumapit sa upuan upang hindi malaglag.
"Sa beywang ko." bulalas niya pa na ikina-kunit ng noo ko.
"Ha?" takang tanong ko sa kaniya na rinig kong ikinabuntong hininga naman nito.
"Ang slow mo naman." medyo may inis sa boses na usla niya bago pumihit paharap sa akin at kunin ang kanang kamay ko saka niya 'yon ipinalupot sa beywang niya.
Kaagad nag-init ang pisnge ko at napakalas bigla sa hawak niya.
"B-bakit sa bewang mo pa? Pwede naman sa inuupuan ko na lang, e." nauutal na sabi ko habang namumula sa hiya.
"Ikaw ang bahala. Walang sisihan kapag nalaglag ka diyan." kibit balikat na ani niya bago umayos na ng pustura.
"Hindi ako malalag-"
"WAH!" malakas na tili ko at sa sobrang gulat ay napakapit na sa bewang niya.
Bigla niya kasing ipinidal ng mabilis ang bike. Muntikan na tuloy akong malaglag.
"Kakapit din pala, pinatagal pa." rinig kong usal niya kasunod ng malakas niyang halakhak.
"Bakit mo naman ginawa 'yon? Buwisit ka talaga, seven!" inis na singhal ko sa kaniya.
"Ikaw kase, e. Ang kulit mo." humahagikgik na sagot niya na mas lalong nagpa-asar sa akin.
Sa sobrang inis ko ay inis ko siyang hinampas at kinurot sa tagiliram dahilan para gumewang kami.
"Tama na, ami! Baka matumba tayo at masugatan." suway nito sa akin na kaagad kong sinunod dahil patuloy pa rin kami sa pag-gewang na sinasadya niya ng gawin.
"Ayusin mo nga ang pag-pidal! Pag tayo talaga natumba babalatan talaga kita ng buhay." pagbabanta ko sa kaniya na ikinatawa lang naman nito.
"Oh, talaga? Kaya mo ba, ami?" paghahamon nito at saka ginewang nanaman ang bike kaya naman napahigpit ang kapit ko sa bewang niya.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]
General Fiction"Yes, I admit it hurts. It hurts a lot but who am I to interfere? I'm just his friend. Nothing more, nothing less." The story of which she finds the right person in a wrong situation and time. Fells Inlove with the right person but become a coward t...