"That was so satisfying!" masayang sabi ni Nadia bago mapasandal sa upuan dito sa canteen kung saan kami kumain.
Halatang sobrang satisfied siya sa pagkain namin kanina dahil wala man lang natira sa pagkain niya. Siya rin ang umubos ng pagkain ko na hindi ko na kayang ubusin.
Masarap naman talaga ang chapseuy na binili namin sa cafeteria at hindi bitin ang tig-isang serving na binili namin ni Nadia. Hindi kasi tipid ang paglalagay ni ateng tindera kanina, palagay ko nga ay dinagdagan niya ang serving namin dahil sa Bubbly personality nitong si Nadia, e.
"Tama ka. Halata rin na na-enjoy mo yung pagkain. Napasarap ang kain mo, e. " pag-sang ayon ko bago bahagyang natawa dahil sa biglaang pag-nguso niya.
"It's not my fault, you know?" nguso nito sa akin. "Ang sarap kasi ng chapseuy ni ate, e. Napasarap tuloy ang kain ko. Ngayon na lang yata ulit ako nakakain ng ganito. Palagay ko ay nag-ce-celebrtae na ang mga bulate ko sa tiyan. Tiba-tiba ang mga 'yon sa dami ng nakain ko." malawak ang ngiting pahayag pa nito bago ako ngisihan na ikina-halakhak ko naman ng malakas.
Ang kwela pala nito kasama.
"Teka, anong oras na ba? Baka late na tayo sa afternoon class natin, ah?" kunot noong tanong ko sa kaniya na ikinakurap-kurap naman nito bago mapatingin sa relo at mabilis na napatayo habang nanlalaki ang matang napatingin sa akin.
"Late na tayo, Amethyst!" tarantang usal nito na ikinalaki ng mata ko at kaagad na ring napatayo.
"Patay! si Mr. Ocampo pa naman ang teacher ngayon. Detention ang abot natin nito. " napapangiwing usal ko sa kaniya na ikina-lunok naman nito.
Hingal na hingal kaming parehas dahil kumaripas kami ng takbo papunta sa building ng mga HUMSS, malayo-layo pa naman ang kinainna namin nitong si Nadia.
Hindi ko maiwasang pagpawisan ng malamig dahil 15 minutes late na kami sa klase ni Mr. Ocampo which is Statistic! Mahirap pa naman ang klase na 'yon at strikto si Mr. Ocampo.
"So, If the variables and standard deviation are known, you should used z-test. Remember that class, this would be concluded on your test paper this upcoming exam."
No'ng nakatapat kami sa pinto ng classroom ay nasa kalagitnaan na ng pag-di-discuss si Mr. Ocampo. Hindi ako makapag-salita dahil sa kaba na baka pagalitan at sungitan kami nito.
Nabalik lang ako sa umirat dahil sa pag-siko sa akin ng katabi ko na ikina-tingin ko rito. Ngayon lang ulit sumagi sa isip ko na kasama ko nga pala si Nadia. Sa sobrang kaba ko ay nalimutan ko nang kasama ko nga pala siya.
"Mag-excuse me ka na, Amethyst. Baka ma-detention tayo." ani nito matapos akong sikuhin na kaagad ko namang ikina-iling.
"Bakit ako? Ikaw na. Baka sungitan ako niyan." tanggi ko bago siya marahang itulak papalapit sa pinto upang Mag-excuse pero bumalik siya sa tabi ko at ako ang marahang itinulak.
"Ikaw na, Amethyst. Mas kilala mo siya kesa sa akin. Bago pa lang ako rito, hindi ko pa kabisado ang gurong yan." pamimilit pa nito at bahagya akong itinulak papalapit sa pinto.
Magsasalita pa sana ako kaso lang ay naunahan naman ako ng isang striktong boses mula sa loob ng classroom.
"Miss Esquivel and Miss Romero? Magsisiskuhan na lang ba kayo diyan sa labas at hindi papasok sa klase ko? Late na nga kayo nakuha niyo pang magkuladyaan diyan sa labas." strikto at masungit na anas ng isang boses sa loob ng classroom na sigurado akong nanggaling kay Mr. Ocampo.
Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa gulat at parang robot na humarap sa kaniya at bahagyang yumuko bilang paumanhin.
"Erm... Sorry for being late, sir. Hindi na po mauulit. " kinakabahang usal ko habang nakayuko. Kasunod no'n ay ang mahinang paghingi rin ng paumanhin ni Nadia.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]
Ficção Geral"Yes, I admit it hurts. It hurts a lot but who am I to interfere? I'm just his friend. Nothing more, nothing less." The story of which she finds the right person in a wrong situation and time. Fells Inlove with the right person but become a coward t...