Chapter Twelve

179 4 0
                                    

"Galit ka?"

Basag ko sa katahimikang namamayani sa amin ni Seven habang nasa daan ang tingin. Pinagsiklop ko ang kamay ko sa aking likuran at pasimple siyang sinulyapan.

Napanguso ako noong makitang diretsyo lang ang tingin niya sa daan at wala pa rin siyang imik. Tila ba ayaw niya talaga akong kausapin o pansinin man lang.

"Hey, bakit ba ang tahimik mo? Wala naman na akong atraso sa'yo, hindi ba?" pangungulit ko pa pero nanatili pa rin siyang tahimik at walang kibo, mas binilisan pa nga niya ang paglalakad, e.

Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Kaninang lunch pa niya ako hindi pinapansin, e.

Galit ba siya dahil inaya ko si Nadia?

Napailing ako sa naisip. Hindi naman ganoong klase ng tao si Seven. Pero ano ba kasing dahilan niya at hindi niya ako pinapansin? Nilibre ko naman na siya pambayad sa huling atraso ko, ah?

"Teka lang, hoy! Maliit lang ang biyas ko, Seven. Hintayin mo naman ako." habol ko sa kaniya no'ng mapansing malaki na ang agwat namin sa isa't-isa. Mabilis akong tumakbo upang masabayan siya sa paglalakad.

Nakakunot na ang noo niya ng maaninag ko ang maamo niyang muka.

I groan in frustration. Ano bang problema nito? Bigla-bigla na lang hindi namamansin ang loko.

"Seven Icarus Villaroman? What's wrong with you?" may inis sa tonong tanong ko at marahang hinigit ang braso niya para pabagalin siya sa paglalakad.

"Bakit ba ayaw mo akong pansinin?" dagdag ko pa at mas hinigpitan ang kapit sa braso niya. Napahinto na rin kami sa paglakad.

Humarap siya sa akin at medyo lumambot ang ekspresiyon niya sa muka ng makita ang inis kong ekspresyon.

"Nandito na tayo." mababa ang tono ng boses na sabi niya kaya napatingin ako sa bahay na hinintuan namin.

Napatanga ako at napakalas nang hawak sa braso niya ng dahan-dahan. I was so caught up on pestering him para sabihin niya kung anong problema at bigla-bigla niya na akng akong hindi pinapansin. Ni hindi ko man lang napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay namin.

I stood there quietly. Inalis ko ang tingin ko sa bahay namin na wala man lang kahit isang ilaw ang nakasindi. Wala pa kasi si mama at nasa maynila pa siya dahil nandoon ang trabaho niya. She's a helper there. Ang ama ko naman ay matagal ng namaalam. Five years old pa lang ako ay kinuha na siya sa amin kaya hindi talaga maiiwasan na magtrabaho ni mama sa malayo para buhayin ako at tustusan ang pag-aaral ko. Hindi naman kasi kami mayaman, e.

"Pumasok ka na." mahinang sambit niya na bumasag sa katahimikan.

Imbis na maglakad papasok ay nanatili akong nakatayo roon sa harapan niya. Napayuko ako at napahigpit ang kapit sa sukbitan ng bag ko.

"G-galit ka ba?... " nakagat ko ang pang-ibabang labi ko noong mautal ako habang tinatanong ko 'yon sa kaniya.

Katahimikan...

Katahimikan lang ang nakuha kong sagot sa kaniya. Ramdam ko ang panunubig ng gilid ng mga mata ko dahil do'n. Kabang-kaba ako at rinig na rinig ko ang lagabog ng puso ko.

Maraming tanong ang pumasok sa isip ko. He knows that I'm sensitive. Mababaw akong tao at ang hindi niya pagka-usap sa akin ang nag-trigger sa pagiging self conscious ko.

Did I offend him? May nasabi ba akong hindi maganda sa kaniya o may nagawa ba akong hindi kaaya-aya?

"Iiyak ka na niyan?" rinig kong sabi ng mapanudyong boses ni Seven kaya naluluha akong napaangat ng tingin para tingnan siya.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon