“Hello, Nandito na ang pinakamagandang secretary sa balat ng lupa!”Pababa pa lang ako ng hagdan ay rinig na rinig ko na kaagad ang boses ng sekretarya kong si Pau. Kakagising ko lang pero buhay na buhay na kaagad ang diwa ko dahil sa lakas ng boses niya.
Nakabihis na rin ako dahil madami akong appointment ngayon. Madami kasing magpa-schedule ng meeting para magagawa sa akin ng mga damit kaya naman naubliga akong gumayak ng maaga kahit na kakarating ko lang ng Pinas noong makalawa.
“Stop shouting. Baka natutulog pa si Boss. Istorbo ka talaga.” rinig kong suway naman sa akniya ng baritonong boses ni Ryle.
Hindi pa ako tuluyang nakakababa pero alam ko na kaagad na nakanguso na ngayon si Pau.
“Hmp! Kaya hindi kita type, e. Kill joy ka masiyado.” maarteng Sabi ni Pau na rinig kong ikina-tunog naman ng dila ni Ryle.
“As if naman papatulan kita. Ew.” nandidiring sagot naman ni Ryle siyang mahina Kong ikinahagikgik.
Palagi kasing aso't ousa ang dalawang iyan, e. Muka sila tuloy bagong kasal.
“Maka ew naman ito akala mo naman kung sinong guwapo. Chaka naman.” kitang irap ni Pau kay Ryle na halatang nagpipigil lang na sakalin si Pau.
“Kung hindi ka lang talaga kailangan ni boss, matagal na kitang sinakal.” asik ni Ryle kay Pau na ikinabelat lang naman nito sa kaniya na ikina-iling-iling ko naman.
Pansin ko na ang busangot na muka ni Ryle na halatang inis na inis na Amy Pau kaya naman magpakita na ako sa kanila.
“Pau, ang aga-aga binubwisit mo kaagad itong si Ryle.” agaw ko sa atensiyon nilang dalawa na ikinatingin naman nila sa akin.
“My beloved Boss, finally! Madami kang appointment ngayon kaya kailangan alas nuwebe palang ay nasa opisina na tayo.” nagniningning ang matang bati nito sa akin bago ako dambahin ng yakap.
Eto talagang sekretarya ko. Mas malambot pa sa akin kahit na ako ang babae sa aming dalawa.
“Oo na. Pagkapihin mo muna kaya ako, no?” buntonghininga ko na ikinakaglas naman ng pagkakayakap niya sa akin bago ako ngitian.
“Of course. Warm milk, right? Gagawa na ako.” excited na anito bago magtatakbo papunta sa kusina kaya nagkatinginan naman kami ni Ryle.
“What got him so excited?” tanong ko na ikinakibit balikat naman nito.
Wala pang ilang minuto ay nakabalik na kaagad si Pau dala ang isang maliit na bilog na tray na may lamang tasa at isang pakto ng cookies.
“Here's your warm milk ma'am, with special cookies.” ngiti nito sabay kapag ng tray sa harapan ko na ikina giti ko naman.
“Thank you.” pasalamat ko bago nagsimulang kantakan ang cookies na ibinigay niya sa akin.
Pagkatapos kong magkape ay dumeretsyo na rin kami kaagad sa opisina ko doon sa may bayan. It's not an official office yet. Nirentahan lang namin iyon para maging temporary office ko dahil kasalukuyan pa lang itinatayo ang pinaka boutique ko dito sa Pinas.
Sunod-sunod ang costumer ko na nag-schedule ng meeting kaya naman ng sumapit ang lunch ay pagod na pagod ako.
Kumausap ako ng sampo na kliyente kaninang umaga hanghang tanghali at mayroon pang 5 na kliyente mamayang 1:00 pm hanggang 5:00.
Siguradong hapo nanaman ang katawan ko nito pero nag-e-e joy naman ko sa ginagawa ko kaya ayos lang.
“May lima ka pang kliyete this afternoon okay, boss? Isa sa mga iyon wedding gown ang sadiya.” pagpapa-alala sa akin ni Pau habang kumakain kami sa isang fast food chain dahil lunch break naman na.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]
General Fiction"Yes, I admit it hurts. It hurts a lot but who am I to interfere? I'm just his friend. Nothing more, nothing less." The story of which she finds the right person in a wrong situation and time. Fells Inlove with the right person but become a coward t...