Chapter Nineteen

137 4 0
                                    

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising dahil maglilinis pa ako ng bahay namin. Puro na kasi alikabok ang kisame at tumpon-tumpon na rin ang dahon sa labas ng bahay. Mahirap na at baka tirahan pa ng ahas ang bahay at mabungangaan pa ako ni Mudra.

Dalawang oras lang naman ang itinagal ng paglilinis ko pagkatapos no'n ay nagluto na ako ng agahan ko. Bali alas nwebe na ako ng umaga nakapag-agahan. Pagkatapos no'n ay naghugas na ako ng pinggan at naligo na upang makapunta na kila Seven.

Sabado na kasi at gaya nga ng ipinangako ko kay Lola esme ay bibisita ako. Sobrang exciting nga, e.

Alas onse ng tanghali ako nakarating sa bahay nila Seven. Nilakad ko na lang dahil malapit lang naman iyon mga sampong minutong lakaran mula sa amin.

Nakabukas ang gate kaya naman pumasok na ako. Hindi naman na ako iba sa kanila, e.

Kumatok ako sa pinto nila at tatlong beses pa lang na pagkatok ko ay bumukas na ito kaagad at iniluwa no'n si Seven.

Nagulat pa ako no'ng una dahil biglaang ang pag-bukas niya at talaga namang nabigla ako pero mabilis kong kinolekta ang sarili at ngumiti.

"Magandang umaga, seven!" masiglang bati ko matapos akong pagbuksan ng pinto ni Seven.

Inagahan ko na ang punta dahil gusto kong tumulong mag-bake ng mga pastries na ibebenta nila sa bakery shop nila.

"Good morning, ami." nakangiting bati naman din sa akin ni Seven. "Ang aga mo, ah? Hindi naman halata na exited ka?" may nakakalokong ngisi sa labing sabi nito na pabiro ko lang na ikina-irap.

"Gusto kong tumulong sa pag-ba-bake, e. Nagsisimula na ba si Lola esme?" tanong ko sa kaniya na ikinatawa naman nito.

"Apo? Si amethyst na ba iyang kausap mo?" sabi ng isang malambot na tono na siyang nagpalawak sa ngiti ko.

Mabilis kong hinawi ng marahan si Seven at saka nagtatakbo papunta kung saan ko narinig ang boses na 'yon.

"Lola esme~!" masiglang tili ko ng makita siyang palabas ng kusina. Nakasuot pa nga siya ng aipron, e. Mayroon ding net ang buhok niya.

Sa suot niya ay sigurado akong nagsisimula na siyang mag-bake.

"Amethyst, iha!" masayang bati rin naman nito at saka mabilis dinukwang ang pagitan namin saka ako binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"Bakit ba ngayon ka lang bumisitang bata ka? Namiss kita ng sobra alam mo ba 'yon, iha?" pabirong sermon nito na ikinatawa ko.

Mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin na siyang ikinatawa ko naman.

"Sorry po. Medyo naging busy lang sa school." nagkakamot sa batok na ani ko bago tumawa ng mahina. "Nandito naman na po ako gaya ng pangako ko, e. Ami's here! Maglilingkod para kay Lola esme." pabirong usal ko bago sumaludo pa sa kaniya na parang sundalo.

Napahalakhak naman ito ng malakas bago i-pat ang ulo ko ng maraming beses na siyang ikina-ngiti ko ng malawak.

"Napaka-kwela mo talaga kahit kailan, ami. Nagliliwanag talaga ang araw ko kapag nandito ka sa bahay, e." may malawak na ngiti sa labing usal nito bago mapatawa.

"Nakaka out of place naman dito."

Nahinto ang tawanan namin ni Lola esme dahil sa boses na iyon ni Seven. Sabay tuloy kaming napatingin sa kaniya at naabutan siyang nakasandal sa pinto habang nakahalukipkip sa dibdib at may nguso sa labi.

"Ikaw naman apo. Minsan lang maglambing ang lola mo kay ami, e. Pagbigyan mo na ang matandang ito." natatawang sambit ni Lola esme na siyang ikinatawa ko naman.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon