"Nabalitaan niyo na ba?"
Pagpasok ko pa lang sa classroom namin ay chismisan na kaagad ng mga kaklase ko ang bumungad sa akin.
"Ang alin?" rinig kong tanong ng isa sa mga kaklase ko.
Napabuntong hininga na lang ako at saka pasalampak na umupo sa assign seat ko habang nakikinig sa pinag-uusapan ng ibang kaklase ko ng palihim.
Done get me wrong, ha? Hindi naman ako fan ng mga chikahan nila pero minsan kasi may benifits din makinig dahil may mga information kang malalaman. One time nga narinig ko sa kanila na may surprise quiz daw na gagawin sa math dahil narinig nila sa kabilang section. Dahil sa impormasiyon na 'yon ay nakapag handa ang section namin at mangilan-ngilan lang ang hindi pumasa.
"May transferee raw at usap-usapan na baka sa section daw natin mapunta." rinig kong sabi pa ng isa kong kaklase na bahagyang ikinakunot ng noo ko.
May transferee? Halos nasa kalagitnaan na kami ng second semester, ah? Hindi ba mahihirapan ang transfer na mag-adjust no'n?
"Sana lang talaga at hindi impaktita ang transfer na 'yan kung hindi , ewan ko na lang talaga."
I tune then out after that. Napabuntong hininga ako sa sarili at hindi na muling nakinig pa sa chismisan nila. Wala naman ng kwenta ang ibang pinag-uusapan nila, more on panlalait na lang sa iba na siya namang ayaw na ayaw ko.
"Hoy, umayos na kayo ng upo. Nandiyaan na si Sir Gio kasama 'yung transferee." anunsiyo ni Juaquin, ang class president ng classroom namin.
Umayos naman kaagad ng upo ang mga kaklase ko at sumunod sa sinabi niya. Tumahimik ang kaninang maingay na silid bago pa man makapasok si Sir gio na kasama nga ang bagong transferee.
I look at her curiously. Yes, her. Babae kasi ang transferee. Medyo may katangkaran ito, mahaba ang itim na itim niyang buhok, maputi ang balat at maganda ang hubog ng katawan. Maamo ang muka niya pero hindi siya yung tipo ng babae na mahina tingnan.
Base kase sa pustura niya ay malakas ang self confidence nito na bahagyang ikina-inggit ko. I wasn't fully confident with my self yet, nasa proseso pa lang ako papunta ro'n pero seing her straight posture with his head held high? Maiinggit ka talaga dahil sa confidence na dala-dala niya.
"Good morning, class. As you can see, we have a new student here." panimula ni sir gio habang iniikot ang tingin sa buong klase.
"Pero base sa reaksyon niyo ay alam niyo na." napapailing na sabi ni sir "Sinong soon to be reporter ang nagbalita?" mapaglaro ang tono ng boses na tanong ni sir na ikina-tawa ng iba naming kaklase.
"Si margarett, sir! Ang source ng chismis ng section namin. " sigaw ng isa kong kaklase na ikinatawa naming lahat.
"Hoy! Hindi ka pa pasalamat at nabe-benifit-an ka rin naman ng mga chismis na nasasagap ko, ah?!" asik pabalik ni Margaret sa nanglaglag sa kaniya na mas ikina-tawa ng buong klase.
"Edi, thank you!" panunuyo pa ng kaklase ko kaya panibagong tawanan nanaman.
"Mamaya ka sa'kin!" banat pa ni Margaret bago irapan ang kaklase ko na naka-asaran niya.
Nakikitawa rin si sir at yung transferee. Kanina ay napansin kong tense siya kahit na confident ang itsura niya. Marahil ay kinakabahan siguro dahil bago siya at akala niya siguro wala siyang makakasundo sa section namin. May ngiti na siya sa labi ngayon at kita sa mata niya na wiling-wili siya sa mga katar*nt*duhan nang section namin.
"Pasensiya na, Miss Romero. Sobra nag pagka-hyper ang section na 'to, e. I hope you can keep up. Sigurado naman ako na mag-e-enjoy ka rito. " may mabait na ngiting sambit ni sir sa transferee noong humupa ang kakulitan ng section namin.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]
Fiction générale"Yes, I admit it hurts. It hurts a lot but who am I to interfere? I'm just his friend. Nothing more, nothing less." The story of which she finds the right person in a wrong situation and time. Fells Inlove with the right person but become a coward t...