TAHIMIK. Iyan ang namagitan sa amin ni Seven habang naglalakad kami pauwi. Hindi siya umiimik pero ramdam kong nakatingin siya sa akin.
Sa tuwing sulyapan ko siya ng tingin ay maabutan ko siyang titig na titig ang tingin sa long sleeve na suot ko tapos ay kapag napansin niya na nakatingin ako kukunit ang noo niya at iiwas ng tingin pero maya-maya ay heto nanaman siya at titingin sa akin.
Ganoon kami simula pa kanina ng maglakad kami papauwi ng sabay. Hindi lang ako umiimik pero kanina ko pa siya gustong tanungin kung bakit niya ginagawa iyon.
Para kasing may gusto siyang sabihin na ewan. Kanina nahuli ko siya na balak ng ibuka ang bibig pero nahdalawang-isip yata at isinara na lamang niya ulit iyon at nagpatuloy sa pagtitig sa suot ko.
Ng hindi na ako nakatiis sa ganoon ay sinulyapan ko siya at nakita nanaman siyang masama ang tingin sa Long sleeve na suot ko kaya naman napahawak ako sa laylayan niyon na mas lalong ikina-kunot ng noo niya.
“Kung may sasabihin ka sabihin mo na.” bulalas ko na ikina-angat ng tingin niya sa akin.
Bahagyang lumaki ang mata niya habang nakatingin sa akin na tila ba nagulat dahil sa pagsasalita ko.
“K-kanina ka pa kasi tingin ng tingin. I-i though you have something to say to me.” paliwanag ko saka nag-iwas ng tingin sa kaniya.
Pinakatitigan niya ako bago siya humugit ng isang malalim na hininga at nagsimulang mag-salita.
“That long sleeve...” pabiting aniya na ikinabalik ng tingin ko sa kaniya. “Kay Hiro iyan, tama ako?” sambit nito.
It turns out as a statement not a question na siyang ikina-kurap-kurap ko naman.
“Oo.” simpleng sagot ko na kita kong ikinagalaw ng panga niya bago niya ako seryosong titigan.
Para akong nanliit dahil sa tingin niyang iyon.
“Bakit mo suot at kailan pa kayo naging close ni Hiro?” kunot noong tanong nito kasunod ng lag-nguso niya na parang batang naagawan ng candy.
“P-pinahiram niya sa akin kasi n-narumihan ang damit ko kanina?” patanong na sagot ko na ikina-iwas niya ng tingin sa akin.
I need to lie. Sorry Seven. T^T
“B-bakit hindi ka sa akin nanghiram ng pamalit?” tanong nito at halata ang pagtatanpo sa tono na ikina-kurap-kurap ko bago mapangiti ng mapait.
Paano ako manghihiram sayo kung alalang-alala ka kay Nadia kanina na kapag may humarang sa dadaanan mo ay baka magalit ka? Ni hindi mo nga Nakita na mas malala ang naging tama ko kaysa kay Nadia, e.
Gusto ko sanang sabihin iyon pero hindi ko na lang ginawa. Nagseselos ako kahit hindi naman dapat. Hindi naman siya sa akin kaya wala akong karapatan na nakaramdam ng ganon.
“H-hindi kita makita kanina, e. Nagkataon naman na nakita ako ni Hiro kaya pinahiran niya ako.” pagsisinungaling ko na ikinatango niya naman pero naka nguso pa rin ang labi niya.
“Ang gaslaw mo kasi, e.” aniya at akmang i-pa-pat ang ulo ko pero huminto siya kalagitnaan at ibinaba ang kamay na bahagyang ikinalaki ng mata ko.
H-hindi pa rin siya nakaka-move on sa pag-iwas ko sa kaniya noon?
“Sa susunod sa akin ka manghiram ng damit, okay?” striktong Sabi niya na ikina-tango ko naman.
“O-okay.” sagot ko na kontento niyang ikinangiti.
“Kaya... Kaya ba kayo magkasama kanina sa Hallway?” mahinang tanong nito sapat lang para marinig ko. Bakas sa pagsasalita niya ang pagdadalawang isip kaya naman kusang napadpad ang mata ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]
General Fiction"Yes, I admit it hurts. It hurts a lot but who am I to interfere? I'm just his friend. Nothing more, nothing less." The story of which she finds the right person in a wrong situation and time. Fells Inlove with the right person but become a coward t...