Epilogue | Part 1

315 7 0
                                    


“Ikaw na ba yan amethyst...? Seven's infamous bestfriend?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin habang may matamis na ngiti sa labi pagkatapos kaming iwanan ni Seven dito sa isang room sa venue ng kasal nila.

Bahagya akong napalunok dahil doon. Hindi ko kasi inaakala na  kilala pa pala niya  ako? Sa ilang taon din kasing wala ako sa pinas ay inasahan ko na na maraming makakalimot sa akin pero mali pala ako. They still remember me.

“Ako na nga ito, Haha. Mukang hindi pa nai-kwento ni Seven sa'yo na nakabalik na ako.” medyo awkward na sabi ko at nahihiyang napakamot pa sa batok.

Sinubukan kong tumawa ngunit  napangiwi din agad dahil naging tawang pilit ang pagsubok ko.

Nakakahiya!

“Huwag kang mag-alala. Hindi ako nandito para pagbawalan kang kausapin o lumapit sa kaniya. Especially that I know everything that happened between you and him. Importante ka sa kaniya at Importante ka rin naman sa akin. Bestfriend tayo dati remember?” natatawang sabi niya sa akin nang makita ang awkward na ekspresyon ko sa muka bago siya ngumiti ng malawak sa akin.

Napahinga ako ng maluwag dahil doon. Kaya naman pala nagustuhan siya ni Seven, eh. Maganda na, mabait pa tapos napaka understanding, ang swerte ng loko! nakabingwit ng full package na asawa.

“Mabuti naman kung ganon. Masaya ako na ikaw ang nakatuluyan ni sev, ang swerte niya sa'yo.” may matamis na ngiti sa labing sabi ko naman na bahagyang ikinapula ng muka nito.

“N-naku, hindi ah. Mukang kabaligtaran nga, eh. Ako ang swerte dahil nakilala ko siya.” namumula ang mukang sabi niya at bakas ang pagkahiya sa tono ng pananalita niya kaya naman napatawa ako.

“The wedding gown suits you very well. Napakaganda mo sa araw ng kasal niyo ni, sev. Kung lalaki lang ako ay aagawin kita sa kaniya.” pabirong sabi ko mayapos siyang purihin na bahagyang ikina-laki naman ng mata nito bago nahihiyang napakamot sa pisngi niya.

I smiled genuinely at this before chuckling lightly. Napanatag ang loob ko dahil napagtanto ko na nasa mabuting kamay si seven. She's perfect for him. Unang kita ko pa lang sa kung paano niya tingnan ng puno ng pagmamahal at adorasiyon si Seven kanina ay alam ko na at sigurado na ako na she's the perfect match for that man.

“Salamat sa'yo.”  panimula niya ng may sinserong ngiti sa labi “Maganda ang naging wedding gown ko at bumagay siya sa'kin kasi ikaw ang may gawa and don't worry. Aalagaan ko siyang mabuti at susubukan kong lagpasan yung mga nagawa mo para sa kaniya. He's in a good hands, sinusugurado ko sa'yo 'yan.” seryoso at sinsero ang boses na sabi niya na bahagya kong ikinagulat.

Nabasa niya yata ang iniisip ko base sa ekspresyon ng muka ko kanina pero nonetheless, I'm satisfied dahil sa sinabi niya.

“Alam ko,” nakangiting sagot ko “And matagal mo ng nalampasan yung mga bagay na ginawa ko para kay Seven. Kampante 'ko sa'yo at may tiwala ako na aalagaan mo siya.” I shakily inhale a breath.

My heart clench painfully. Sobrang sakit pa rin pala kahit tanggap mo na. Nando'n pa rin yung regret at yung pait pero wala na akong ibang choice kung hindi maging masaya para kay Seven at Nadia. Simula pa lang kasi ay talo na ako dahil naduwag akong umamin, pinangunahan ako ng takot na baka masira yung relasyon namin bilang magkaibigan kaya mas minabuti kong manahimik na lang tungkol sa nararamdaman ko at naging isa 'yon sa maraming bagay na pinagsisihan kong hindi sinugalan.

We're not to be blamed for our bittersweet story. Siguro ay hindi lang talaga kami tinadhana para sa isa't-isa. We shouldn't blame destiny for it either. Pero minsan hindi naman kasi natin maiiwasang sisihin o isumpa ang tadhana, e. Kapag sobrang daya at lupit na nung tama niya sa buhay natin.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon