Chapter 22

564 49 8
                                    

Napatingin silang lahat sa akin habang tumatawa ako. Hindi ko na sana papansinin ang tingin nila kaso ay nakaramdaman ako nang ilang ng tumagal. Nag-iinit ang pisngi ko na mabagal na napapayuko saka pinagdudutdot ang kamay. Nang biglang,

"Hahaha.."

"I made her laugh!"

"No, it's me."

"Para daw kase kayong mga bata, haha pinagtawanan tuloy kayo."

"Tch, whatever Asher. Basta alam kong ako nakapagpatawa kay Yuna."

"Isip bata ka raw kase."

"Hahaha."

"Tch! Shut up!"

"Pikon!"

Nabibigla ko silang pinanood. Parang may humaplos sa puso ko sa tuwa habang pinagmamasdan silang nagtatawanan. Ngayon ko lang nakita na naging ganito sila kasaya na magkakasama. Dati kase ay pag-palihim ko silang sinisilip, seryoso lang silang lahat. Minsan pa ay nag-aaway at hindi kumpletong sabay na kumain.

Nawala ang kaninang gutom na nararamdaman ko, habang pinapanood sila.

Ngayon ay kumpleto sila at kasama pa ako. Dati pinapangarap ko lang maupo at makasama silang kumain, ngayon nangyayari na! Para akong nakalutang, parang nanaginip. Hindi pa nga ako lubos makapaniwala na nakasabay ko silang kumain kagabi at kaninang umaga. Ngayong tanghali ay kasabay ko na naman ulit sila!

Tanggap na ba 'ko?

"Kitten, you okay?" naibaling ko ang tingin kay Kuya Nic ng tawagin ako nito. Kitten ulit?

Matunog ang naging pagngiti ko nang malaki, maraming beses na napailing. Napahinto ako nang biglang may maalala, napapaisip pa muna bago nagsalita. "Ah, itatanong ko lang po Kuya Nic. Ano po palang ginawa niyo sa akin kanina? Kase 'yung bandang singit at dede ko pinagtutusok niyo eh. Sobrang natakot talaga ako nun, bawat baon nung matulis na 'yun sa balat ko naaalala ko pa rin 'yung pakiramdam." unti-unting humina at bumagal ang boses ko habang pababa ang tingin sa plato.

"Masakit pa rin ba?" nahimigan ko ang pag-aalala sa boses ni Kuya Quinn, nakakapanibago talaga na kinakausap niya na ako.

Nag-angat ako nang tingin sa kaniya. Ngumiti nang maliit saka mahinang napailing. "Kapag po nasasanggi iyong sa doon ko, masakit. Pero kaya ko naman ilakad parang makati lang siya na mainit sa pakiramdam." anikong niyuko pa ang ibaba ko bago binalik ang tingin sa kaniya, parang nabunutan naman siya nang tinik na napaiwas ng tingin.

"Huwag mo kakamutin, baka maimpeksiyon. Mamaya papakita namin sa 'yo 'yung tattoo mo." gulat na napalingon ako kay Kuya Jaxx. Magaan ang aura niya ngayon, maaliwas ang mukha na nakatunghay sa akin. Napatawa siya nang makita ang reaksiyon ko.

"Tattoo? Anong tattoo?" naguguluhang tanong ko.

"Kumain kana muna. Mamaya na namin ipapaliwanag sa 'yo." sabi na lang niya. Napanguso ako kase gusto ko talagang malaman, napatawa naman siya. "Umayos ka Yuna. Hindi porket cute ka ay hindi mo na ako matutunaw."

Nagtawanan naman ang kambal sa tabi ko. Habang ako naman ay napailag pa nang upo, hindi maunawaan ang sinabi nito.

Natatawang kinurot naman ni Tyler ang pisngi ko saka naiiling na nagsandok na rin ng pagkain. Napalobo naman ako nang pisngi at humarap na rin sa pagkain ko. Bumalik ang gutom na nararamdaman ko nang makitang gulay ang ulam!

"Salamat sa pagkain!" ramdam kong naglingunan sila sa akin. Pero hindi ko na ininda 'yun, masiyado akong gutom para pansinin pa ang gulat nila. Samantalang sa amin ni Nana Peach ay normal 'yun sa tuwing kumakain kami. Mabilis na pasasalamat sa biyaya na pagkaing mayroon kami daw ang tawag doon.

Her Seven Gentlemen Where stories live. Discover now