Chapter 36

646 44 3
                                    

"Kain na!" ani ko habang paakyat sa kubo bitbit ang kaldero. Dito kase kami, kumakain, inaakyat na lang ang lamesa na di-assemble. Mainit kase sa bahay, saka may kasikipan ang sala roon maliban dito sa kubo na maluwang at malawak ang espasiyo.

"Mama!"

"Help po kita Mama!"

Agad na nagsilapitan naman sa akin ang apat. Mabilis na inangat ko ang kaldero nang akma pa nila itong kukunin sa akin. Ang kukulit talaga. "Oh—uh! Baka mapasa kayo. Si Mama na po maglalagay nito, upo na po kayo ro'n." magaan kong suway sa kanila.

Nang tuluyan akong makaayat ay mabilis na nagsilapitan din 'yung anim. Si Nic agad ang naunang lumapit para kunin ang kaldero sa akin. Maaliwalas na ang mukha niya na inagaw ito sa 'kin. Ngumiti naman ako pabalik at hinayaan na lang siyang kunin 'yun.

"Tagal natapos ah?" napalingon naman ako kay Ate Rae nang magsalita siya. Nakangisi na ito sa akin nang magtama ang mata namin. Pinamulahan ako at kinunutan siya ng noo. "Oh? Makatingin 'to! Sabi ko lang ba't ang tagal niyo natapos magluto! Haha! Gaga." alam kong nang-aasar siya.

"Nasaan 'yung lalaking kasama mo Yuna?" si Nanay.

"Kinuha po 'yung lamesa."

"Ayan na pala." ani naman ni Ate Rae. Napalingon ako sa may hagdan at nakita nga roon si Jaxx. Malaki ang ngiti niya habang paakyat, bahagya pang tumango kina Nanay, Tatay at Mama nang makita ang mga itong nakaupo sa papag.

"Pst! Pakuha nga nito." tawag ni Jaxx sa mga kapatid. Si Asher at Quinn ang lumapit at inagaw sa kaniya ang dala. "Kayong dalawa, samahan niyo kunin 'yung mga pagkain." baling niya naman sa kambal na agad na tumayo para sundan siya pabalik sa bahay.

Ako naman ay naupo sa tabi ni Ate Rae, 'yung apat ay bumalik naman sa paglalaro nila sa likod lang namin.

"Kamusta?" biglang dumikit naman sa akin si Ate Rae. Napapaiwas akong binalingan siya.

"Anong kamusta?"

"Haha! Nakailan kayo?" pabulong pa niyang anas. Sinulyapan ko naman 'yung magkakapatid na napapalingon sa amin.

"Anong nakailan ba pinagsasabi mo?! Dun ka nga! Tumulong ka!" pagtataboy ko sa kaniya na sinabayan pa ng tulak.

"Magpirmi nga kayo!" suway ni Nanay sa amin.

Napapanguso naman akong pumirmi. Si Ate Rae naman ay malakas na tumawa at pabulong pa ring nang-aasar.

"Hey, stop teasing her." suway naman sa kaniya bigla ni Asher na lumapit na sa gawi namin. Nagugulat namin ni Ate Rae na nilingon siya. Hindi ko pa inaasahan ang biglaan nitong paghigit sa pulsuhan ko para ilayo ako kay Ate Rae.

"Asher," nasabi ko.

Pero malakas na tinawanan siya ni Ate Rae na napapahampas pa sa papag. Agad siyang sinuway ni Mama at Nanay.

"Loko 'to ah. Dun ka nga, girly talk 'to." nakakaloko ang mukha niyang anas sa lalaki.

"I don't care, just stop teasing Yuna. Can't you see how uncomfortable she is?" ramdam ko naman ang kaseryosohan sa boses niya.

"Haha! 'Nak ng."

Nasapo ko ang noo. Si Caden ay bigla namang lumapit sa akin at pinaharap pa ang mukha ko sa kaniya. "You okay?"

Napalunok ako at alanganing ngumiti. "Oo naman. Bakit naman hindi?" taka kong ani.

"Why niyo po nihahawakan Mama namin!" boses iyon ni Jin, nang lingunin ko ang gawi ng apat ay nag-uunahan na ang mga itong makababa sa papag.

Mabilis nila akong pinalibutan at nilayo sa magkakapatid na nangingiti lang na nailing. Sakto namang paakyat na si Jaxx at 'yung kambal bitbit ang mga pagkain.

Her Seven Gentlemen Where stories live. Discover now