Kabanata 9

89 13 0
                                        

Kabanata 9

I'm now laying at our bed. Kakatapos lang naming magdinner, akala ko magpapahinga na si Rafael but it seems like he wants to do something else.

"Aano ka? You're leaving me here?" Umupo ako sa kama at tiningnan siyang nag aayos ng wallet, phone at maliit niyang pouch.

"I'm gonna drink a bit and swim." Aniya, nakatingin sa akin.

"Bakit hindi mo ako inaaya?" Inirapan ko siya. Wow clingy, kidding aside, ayoko lang maiwan mag-isa dahil nakakatakot din.

Humalakhak siya matapos akong talikuran. "Mag-ayos ka na, I'll wait." Firm niyang sinabi. "Make it fast."

Mabilis akong tumayo sa kama. I wore another one piece na swim suit, similar sa sinuot ko kaninang morning but this one shows more skin, gabi naman na. Surely kaunti lang ang nagsswim ngayon sa pool.

Nagsuot nalang ako ng maong na shorts dahil ayokong bumaba na naka swimsuit.

When we got there, nilamig ako dahil sa hangin na sumasalubong sa amin.

Naagaw ni Rafael ang atensyon ko nang mag alis siya ng kanyang top, papalayo sa akin kaya't kitang kita ko na ngayon ang likod niyang walang saplot.

Oh Lord.

Bahagya kong hinawi ang buhok ko at umiwas ng tingin sa katawan niya sa pangambang baka bigla siyang humarap at makita akong nakatitig sa kaniya.

Parang, kahinaan ko talaga ang mga lalaking may magandang katawan, hindi ko trip 'tong si Rafael 'no.

"Pa-cute nalang jaan?" Napasimangot ako sa tinuran niya sa akin.

Nakapamaywang ko siyang hinarap sa pool, bahagya ng basa ang kanyang buhok at naaaninag ko na ang harap na parte ng kanyang katawan. Avoid the fucking body, nakakahiya.

"Sura mo! Akala ko ba iinom ka muna?"

"Yeah," Half of the reason I came here with him was because of the drink kaya nabuhayan ako ng dugo sa isinagot niya. "They'll serve it here."

Ah, allowed nga palang uminom sa pool side, very nice.

"Hindi ba malamig?" Tanong ko kay Rafael.

"Try dipping yourself."

And I did. Sa dahan dahang pagbaba ko sa pool ay yunakap ang maligamgam na tubig sa akin. Siguro dahil summer ngayon, mainit talaga maghapon, reason why the water has gone warm.

"Maligamgam naman pala eh." Sambit ko ngunit hindi na niya ako pinansin, he went past me reaching for the drink.

How can he smell so good?

Nabigla ako nang humarap siya sa akin para iabot ang akin. "Tequila?" Pag ligtas ko sa aking sarili.

He nodded. "Cucumber margarita,"

Napansin kong may cucumber nga ang inumin and salt rim as well. "I haven't tried this before." Sambit ko at umupo muna sa pool side.

He didn't looked like he was interested with what I am saying pero alam kong nakikinig siya, siguro hindi lang niya alam ang isasagot niya.

We lasted for about 3 minutes siguro, parehong hindi nag-sasalita and we're now up for the second shot of tequila.

"What are we going to do for tomorrow?" Pag-basag ko sa katahimikan.

To Forget Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon