Chapter 14

291 37 18
                                        

"Be my girlfriend"

Naghintay ako ng sagot pero tinitigan nya lang ako habang ngumangata ng buto.

"Narinig mo ba ako bitch? Sabi ko be my girlfriend. It's not a question naman so tayo na ha" poker face padin sya pero nag senyas naman na lumapit ako. So sumunod ako at lumapit sa kanya.

"Wh- hmp!! Reverie! Kamuntikan na. Yuck!" hahalikan pa ako ng gaga. Buti nalang mabilis talaga reflex ko at natakpan ko ang sarili kong bibig.

"Be my girlfriend be my girlfriend ka pang nalalaman dyan. Hindi mo nga ako mahalikan. Tsk, itigil mo na kaadikan mo. Uuwi na ko. Pasabi kay tita hindi mo ko ty-"

"Ma! I like her na! Officially dating na kami!"

^_^"Welcome to the family" abot tengang ngiti ko. At ilang segundo palang

"Talaga ba! Anak kelan naman ang kasal!" Sulpot ni ina na halos madulas pa sa pagtakbo

"Ate! Anong nakain mo! Totoo ba? Baliko kana din?" Kapatid ko na may sabon pa ang katawan. Pati buhok may shampoo pa.

"Pfft anak I'm so proud of you. Ahm Reverie right? Welcome to the family" Si ama na galing ata o. Lumapit silang tatlo sa bebe loves my honeybunch cake ko.

"Ah eh a-ano po k-kasi. Hays, baby I don't want to hide it anymore. Can we tell them now?" Huh? Pinagsasabi nito. Lumapit pa sya sakin at biglang hinawakan ang tyan ko.

"Why? Ano yon?" Tanong ng mga magulang ko.

"Avi my oh so pretty baby bunch here is pregn-hmppp aray!" Bago pa nya matuloy ang ka adikan na balak nyang sabihin ay pinasubo ko ulit sa kanya ang butong hawak. Nabila ukan naman sya. Buti nga.

"Ma, Pa. Can she sleep here? We miss each other na kasi" Hindi paman nakaka oo ang mga magulang ko ay hinila ko na agad ang Bebe loves my honeybunch cake ko.

At pagka lock na pagka lock ko ng pinto. . .

"Adik kaba?! Anong pregnant pinagsasasabi mp dyan! Virgin pa ko uy!" Naabutan ko naman syang humilata agad sa kama ko.

"Ay hindi ba? Laki kasi ng tyan mo. Nagdadalang tae lang pala. Sorry" -_- uupakan ko to eh.

"So anyway, girlfriend na kita ha."

"Ano ba kasi pumasok dyan sa utak mo? Hindi kita bet. Si olivia mah-"

"Eh hindi ka nga mahal. Accept and move on bitch. So an- w-wait I mean. Kasi naman girl w-"

"Shut up. I heard you" shocks. Natahimik ako ng makita syang paiyak na. Cute pa naman maiyak. Ayaw pa kasi tanggapin na hindi sya gusto ng mahal nya.

Kawawang nilalang.

"So yun nga. Iritang irita na ako sa mama ko. Pag ikaw hindi ko pa nahing gf eh iba na naman irereto non. So help me please?"

"Matapos mo kong bugbugin?" Inirapan ko lang sya.

"Binugbog mo din ako at nauna ka duh" sya naman ang umirap at tumalikod na sakin at nagkumot. Aba, feel at home ah.

"Ang bago ng kumot at unan mo. Anong sabon nyo?" Lumapit ako at naki amoy.

"Natural Scent ko yan." Sabi ko. Totoo noh.

"Whe? Paamoy nga" lumapit naman sya at inamoy ang ulo at leeg ko.

"See? Mag libag libag kadin girl ng bumango bango balat mo" Sabi ko pero ang gaga kulang nalang singhutin ako ng buo. Sumiksik na sa leeg ko.

"Mahiga kana nga. Payakap nalang" sabi nya dahil nahirapan na ata. Sumunod nalang ako at yumakap sya agag sakin. Nakaharap ang muka nya sa leeg ko.

Not A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon