Chapter 23

427 34 15
                                        

Pagkatapos ng mahaba habang pagbabad sa malamig na tubig ay bumaba nadin ako para kumain.

Sa sala naabutan kong nanonood sila Reverie at pamilya ko. Hindi manlang ako inintay kumain.

"Aba feel at home Bi- i mean Rie ah. Yung work mo ha" sabi ko at nagpunta muna ng kusina para kumuha ng pagkain. Sisig ulam, luto ni Mama kaya sure akong masarap. Yung longganisa hindi manlang niluto. Yun inaabangan ko eh.

"Avi! I need to go" huh? Nakaka isang subo palang ako eh.

"Now?" Tumango naman sya.

"Ikaw nagsasabi na bumalik eh. I'll be gone for a few more days. Kelan ba alis mo? Pati pisngi mo kumakain oh" Sabi nya at lumapit sakin para alisin ang kanin na napunta sa pisngi ko.

Ewan ba at bakit pag kumakain ako eh naglilibot sila.

"Bukas kana umalis. Sleep here first"

"Sa daan nalang, mag bus ako. I can't drive. Para matapos na at makabalik ako agad. Kumain ka lang dyan" aalis na sana sya pero agad akong humawak sa braso nya.

"Wait here. Give me 10 minutes okay?"

"Wh-" hindi ko na sya pinansin at tumakbo na ako pabalik ng kwarto. . . .

"Let's go! Dalin mo pagkain ko. Hindi pa ako tapos"

"Anong trip mo?" Tanong nya ng makita akong may dalang backpack.

"Ikaw"

"Avi I'm serious"

"Seryoso din ako. Sasama ako kaya halika na. I'll drive. Ma! Pa! Sasama ko kay Rie ha!"

"Go lang anak! Pakasal nadin kayo ha!" Rinig kong sabi ng aking Ina.

"Oh see? Lika na" at dahil hindi padin sya gumagalaw ay ako na ang nag abot ng plato sa kanya para madala.

Nauna nadin ako sa kotse at inayos ang gamit na dala.

"Avi, hindi kami nag sstay sa hotel. Baka mainip kalang din don"

"Ano tingin mo sakin, maarte?"

"Oo" agad na sagot nya.

"Ang kapal mo, hamak namang mas maarte ka. Sumakay kana! Yung pagkain ko ha" ang kapal kasi. Wala naman na syang nagawa kundi ang sumakay sa passenger seat.

"Subuan mo ko tuwing naka stop tayo. Gutom pa ako"

"Maaksidente pa tayo eh. Kumain kana mu- Avi! Ugh magdahan dahan ka. Sanay kaba sa matagalang pag drive?" Hindi ko na sya pinansin at nag drive na ng mabilis.

Wala nadin syang angal pag nagpapasubo ako ng pagkain. Pfft takot din pala sakin to eh.

"Matulog kana muna" sabi ko after ko kumain.

"Lat-"

"Isa"

"Wake me up after 2 hours" sabi nya at tumango lang ako. Pero ilang minuto na sakin padin sya nakatingin.

"Rie, take a rest please?"

"10 minutes" hays ang kulit. Binagalan ko na muna ang pag drive.

"Baby just close your eyes" sabi ko at tinakpan ang mga mata nito.

"F-fine. Take a rest too if you're tired. Ayoko pa mamatay" mas lalo namang ayoko.

After ilang saglit pansin kong nakatulog na sya. Lakas na maghilik eh. Buti nalang talaga at mahaba tulog ko kanina. Mahaba din kasi byahe namin. Gosh bakit ba ako sumama sama dito. 8 hours.

Nang makaramdam ng gutom ay nagpasya akong mag stop over muna. Madaling araw nadin at nasa kalahati palang kami sa byahe.

"Rie. Reverie wake up. Let's eat first, baka gutom ka" nakailang tapik na ako sa kanya pero mukang pagod na pagod ata talaga.

Not A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon