Avi1
Avigail's POV
So point of view ko naba ito? For real? No jokes and shi*? Ok good, first and for all may gusto lang akong sabihin.
Anong pumasok sa maliit mong utak ikaw na baliw na otor ka!? Bakit ginawan mo pa ako ng story eh nananahimik ako!? At ano naman takbo nito eh wala naman akong lab interest!? Ufhh pag tataksilan mo pa ako sa love of my life kong foods. Tsk so nevermind, tignan natin ano takbo nito.
Chapter 1 naba? Ok good back to the st-- (Bilisan mona!) Chizzz relaxxxx ito na
"Avi? Are you okay?" Huh? Ito na nga at nagising ako bigla. Nakikipag date nga pala ako ngayon.
"I'm okay Nick, thank you" bored na sabi ko. Hays damn it, wala siyang ibang bukang bibig kundi libro. Yeah may university ang family ko but please. . . . .
"It's Kevin actually" naka ngiting sabi pa niya.
"Ah yeah, sorry Kevin but i have to go. Hindi ako nag enjoy so sana last meeting na natin to. Bye ^_^" tumayo na ako at ready na umalis. Napilitan lang naman ako sa blind date na ito noh.
"But why? Please give me chan--"
"I don't like your necktie, next time na makikipag date ka. Wag polka dots na rainbow color okay?" Duhh ano siya clown?
Agad agad na akong lumabas ng resto. Siguro naman siya mag babayad non diba? Siya kaya nag aya. Hmm teka, familiar yon ah. Agad akong lumapit sa babaeng nag titingin ng damit
"Hey Olivia!! You're here, buti naman at mangyayari saking hindi boring ngayong araw" masayang sabi ko at niyakap siya bigla.
"Ugh ahh eh y-eah g-good" huh? Hinawakan ko ang noo niya
"Mainit ka at namumula. May sakit kaba? Sakto pupunta kong hospital para bisitahin si Halimaw na Abo. Sama kana" sa ginawa ko ay agad siyang lumayo at napa hawak sa muka
"O-okay lang. Ahahaaha mainit kasi ang panahon?" Mas lalo pa siyng namula. Hmmm teka ngaaa
"Sabihin mo nga Olivia, Crush mo ba ako?" Seryosong tanong ko. Halatang nagulat siya dahil hindi siya agad naka sagot
"Ahh an--"
"Baka naman like na or love?" Ang bait niya kasi sakin. Malamang iniisip nyong lahat manhid ako.
Pfft you're wrong
"Avigail wala. Tara na nga, samahan na kita sa Hospital" Hmm okay
"But if may nararamdaman ka nga sakin. Better to tell it okay?" Ngumiti lang siya.
"And what if meron nga?"
"Then I'm sorry?" She's beautiful yeah, matangkad model half half. Mabait din yeah but hmm I'm really sorry but hindi ako katulad nila Kaibigan at Beb.
"Pfft ang seryoso mo. Kilala kita Avi, believe me i really consider you as my friend. Kaibigan lang, just like you want" tinitigan ko pa siya. Hmm muka naman siyang nag sasabi ng totoo. But her vibes? Mala Claire, and ayoko non.
"Okay then. But you know, mas na appreciate ko ang nag tt take ng risk. It's 2020 hindi na uso ang martir" at natawa lang siya don.
"Too bad, old school ako" hmm?
"May sinasabi ka?" Umiling lang siya at tumalikod na. Bubulong bulong kase eh mahina ata tenga ko. Anyway
Bibisitahin ko si Ashley at Kaibigan sa Hospital. Mukang nabawasan na kasi ng 1% ang kabaliwan ni Ashley.
Tahimik lang kami hanggang maka dating sa Hospital. Para kasing takot na takot itong si Olivia na kausapin ako.
"Ahm Avigail una ka na, may bibisitahin lang din ako saglit" Ay iiwan ako?

BINABASA MO ANG
Not A Love Story
RomanceProud Single and I love Ignoring people like I'm taken. I AM NOT MY FRIENDS --Avigail Open minded people only Pfft gxg story Warning: Wrong grammar and spelling ahead