Start

3.3K 132 51
                                    

Bell's POV

Okay I'm here! So anong ganap at may pa ganito na naman? Story ni Avigail? Oww really? Tignan natin ano mangyayari sa Harem niya

"Beb tingin mo sino mananalo sa harem nitong kaibigan natin?" TAnong ni Beb habang kumakain. Andito kami kay bubuyog at hinihintay si Isa

"Wala, lahat sila talo" hmm, tinignan ko ang isang papel

Information about Avigail's Harem

Choose your fighter . . . .

Olivia
Age: 26
Occupation: Model
Hobby: Ang i stalk ang childhood crush/love niyang si Avi.
Other info:  Masyadong in love kay Olivia pero ayaw umamin at Mas gusto niya nalang itong mahalin ng palihim. In short, isa siyang Martyr na sobrang tanga sarap ibaon sa lupa.

Angelo/Angela
Age: 24
Occupation: Dakilang Tambay for awhile
Hobby: Mag suot ng pambabaeng damit para makipag human barbie barbie-han sa mahal niyang si Avi
Other info: Gay Ex boyfriend ni Bell  na may lihim na pagtingin kay Avi. Ayaw umamin dahil takot itong ma reject at dahil hindi pa siya sure kung ano siya. In short, Isa siyang Duwag na baklang confused sarap buhusan ng paminta

Claire
Age:25
Occupation: Architect
Hobby: Saktan ang sarili dahil sa one sided love kay Kaylin
Other info: Wifey Material,  Di maka basag pinggan sa Ubod ng bait, maalalahanin, malambing, maintindihin at magaling mag bigay ng payo. Kaibigan lang ang tingin kay Avi.  In short, Leave her alone coz she's a cinnamon roll sarap ibulsa para itago sa magulong mundo

Frances
Age: 26
Occupational: Doctor
Hobby: Makipag flirt kay Avi
Other info: Ang doctor na humarot kay Bell at Kaylin pati nadin sa straight na si Avi dahilan para mag sampalan sila. In short, she's a flirty beach sarap iharap kay Ash ng makita kung sino mas masungit at halimaw

. . . . .

Pfft bwahahahhaa at hindi kona napigilang matawa XD now I'm really sure, wala talagang mananalo sa mga ito. Ang complicated nila at iyon ang pinaka ayaw ni Avi.

"Na aawa ako sa mga yan" Sabi ni Beb

"Bayaan mo sila. Sa dinami dami kase ng tao kay Avigail pa nahulog. Nag hukay sila ng libingan nila"

"Hey monkeys! Asan na pagkain ko? Aba hindi nyo manlang ako nilibre?" Speaking of the single

"Hiyang hiya naman kami sayo na may ari ng isang unibersidad ano? At damn! Pang ilang book naba ito at wala ka pading table manners!" Sigaw ko sa kanya, kain agad pagka upo eh

"P-pakshi mo ba? At ano ginagawa mo at nauna kapa magka Point of view sakin na bida ng storyang ito?" Kainis na babaeng ito. Paiba iba ugali nyan kala mo may split personality. Napa buntong hininga nalang kami ni Beb at tinignan siya

"Sa ating tatlo siya itong walang paki alam sa lablayp at mas ginagamit ang utak kaysa puso. Nakaka takot tuloy malaman kung pano siya ma inlove" bulong sakin ni Beb. Yeah right but malay mo nga naman at totoo ang sinasabi niya na hindi siya magpapaka broken at tanga sa pag ibig.

Just like she said

She's different and not like her friends

"Ahm Excuse me? Lumipad ata itong papel nyo." Singit ng isang Human Being. Tinangap ito ni Avi at inabot din agad samin dahil kumakain daw siya. Ni hindi man lang tinignan ang nag abot, food is layp talaga eh

"Thank you" sabay naming sabi ni Beb sa nag abot, at ngumiti lang ito pabalik. Cute, gusto ko ang scarf niya

Binasa na lang namin ni Beb ang nasa papel

Avigail
Age: 24
Occupation: President ng University
Hobby: Ang kumain, lumamon, kumain, lumamon and yeah, ang lumaklak ng anesthesia ng hindi niya alam.
Other info: Volleyball player kaya ingat sa sampal at baka humiwalay ulo mo sa leeg mo. Maypagka beach pero mabait, matakaw pero pang model ang katawan. Mayaman pero minsan aktong pulubi. Honest and sarcastic as hell. Life motto: No jowa No problem. In short, ano nagustuhan nyo dyan sarap nyong pag uuntugin ah

If her life is a book, It's absolutely

Not A Love Story

Not A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon