Chapter 20

304 31 23
                                    

"Kelan uwi mo? Pasalubong ha, masarap longganisa sa Vigan"

"Avi kakadating ko palang. 2 days ako dito" Ang tagal naman. Gusto ko na ng longganisa na sinasawsaw sa suka eh.

And yup, nakakahanap na sya ng work dito sa Pilipinas. Balik na sa dati pero hindi padin sila bati ni Olivia.

"Sige na, mag aayos na muna ako ng gamit. Bumangon kana dyan at 10am na" nagpagulong gulong lang ako sa kama.

"Tinatamad ako" Ayoko nga. Day off ko kaya.

At ang dapat sa Day off ay humilata magdamag. Nakakain naman na ako. Nagdala sya ng pagkain sa kwarto ko bago umalis. Hindi manlang ako ginising.

"Lagi ka namang tinatamad. Bye-bye na. And yeah, pupunta kaba sa blinddate mo bukas?" Oo nga pala speaking.

"Tinatamad nga ako" inis na sabi ko at tumawa lang sya.

"Puntahan mo na at pipilitin kana naman ni Tita sa mga susunod na araw. Go na at para free ka pagdating ko" hays. She's right. Ano na wala bang mang aampon sa Ina ko dyan?

"Oo na pupunta na. Palibhasa makikipag date kadin dyan." At mas tumawa lang sya ng husto.

"Bye Bitch. Take care!"

"Bitch kadin! Pasalubong ha!" 

Binaba ko na ang phone at nagtalukbong ulit ng kumot. Matalik padin kaming magkaibigan. Hmm medyo matagal nadin pala kaming magkakilala nitong si Bitch, 8 or 9 months?

After namin magbugbugan ay akalain mong magiging close kami.

Labas pasok pa sa kwarto ko.

Anyway, let me sleep for a while. Makikipag plastikan na naman ako sa date bukas, ngayon palang need ko na ng energy. . . .

Napili ng date ko na makipag kita sa isang art gallery. At kakapasok ko palang inaantok na ako.

Ang tahimik ng paligid, malawak tas iba't ibang arts ang makikita. Pwede na sa gusto ang payapang lugar na gaya ko. Plus points.

Naupo ako sa isang Sofa. Sa harap nito ang isang malaking painting.  Isang may edad na babae ang nakatingin sa isang masayang pamilya habang nagpipicnic sa park.

"How can you interpret it?" Hindi na ako nagulat sa nagsalita sa gilid ko. I saw her a while ago.

"Penge akong BBQ" bulong ko.

"Pfft What are you doing here Avi?" Tinignan ko na sya. It's Olivia

"Waiting for my date. And you?" Naupo sya sa harap ko.

"Helping my friend to ruin his Blind Date? " oh?

"Where's the friend then? Not interested? His loss, Dyosa na iniwasan pa nya" sabi ko with pa flip pa ng hair ko.

"His Gay. At buti nalang pumunta ko. I didn't know it's you" ay

"So pano mo sisirain date nato? Muka namang hindi mo first time" Ngumiti lang sya at nag iwas ng tingin.

"Tingin mo sino nag paint nyang tinitignan mo?" Tumingin ulit ako sa painting. Ngumiti lang ako

"Rie"

"Yeah. She's an artist. I met her here. Same situation, ang Kaibigan ko sana ang ka date nya. Pero ako ang pumunta" nakinig lang ako. Wala pa akong alam sa storya nila eh.

"I thought she was straight, so I acted nice"

"An act? Really? Hindi mo ba talaga sya nagustuhan?" Umiwas sya ng tingin sa akin.

Not A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon