Pagkatapos namin kumain ng mga unggoy ay namili nadin ako ng mga damit. Hapon palang kasi uuwi na sila.
Nag aya pa nga ako mag bar pero ang mga timang takot na takot sa mga asawa nila.
Yan ang hinding hindi ko hahayaang mangyari sakin. Ang makulong sa relasyon.
"Miss may medium si- yahh! Ang lamig ng kamay mo" bigla nalang may nagtakip ng mga mata ko.
"Guess who?" Ito na naman sa pa guess who guess who eh. Pero napangiti ako ng marinig ang boses nya.
"Hmm clue ba is. Stupid sya? And then broken? Coward? May gusto sa Kaibigan ko pero ayaw umamin? Hirap maka move on? Martyr? Shampoo ang name tapos malinaw? At higit sa lahat. Di sya bet ng kaib-"
"Avi! Ang sama mo" inalis na nya ang kamay nya sakin at humarap nadin.
"Hahahahaha ikaw kasi eh" Niyakap ko na sya agad. I miss her.
"I'm back,"
"Welcome home, Claire"
"So for good naba pagbabalik mo? Parang ilang buwan ka palang don ah" tanong ko.
"Nope. Bakasyon lang ulit. Madami pa akong inaasikaso don. You? Mag isa ka ata"
"Kasama ko sila Kaibigan kanina kaso mga may curfew so nauna na. Preggy na si Ash" tinignan ko ang reaction nya kung malulungkot ba oh ano pero biglang lumiwanag ang mga mata nya tapos ngumiti.
"Really? Wow, congratulations to them. Pfft I bet mas dumoble kasungitan ni Ashley?"
"Baka kabaliwan ang nag double. So, you okay now? Hindi na masa-"
"Of course. Baliw Avigail, it's been so long. So ano namimili kaba? Ito bagay sayo. Hmm wait tanong natin kung may color red itong dress" hays. Doubt it.
"Tingin nga Avi. Mukang bagay sayo tong shirt. Sukatin mo" tinapat nya sakin ang isang white dress. Tinignan ko naman ang price. 5k luh
"Meron sa Lazada nyan 200 lang" Sabi ko at binalik na ang kinuha nya.
"Pfft Avi. Ikaw lang ang mayamang kuripot na kilala ko." Natatawang sabi nya. Cute talaga nya tumawa. Bakit kasi ang bait bait ng muka nya.
"Diba halos kasing yaman mo lang sila Ash?"
Walang pagpapanggap sa kanya. It's all true and sincere. Ang amo ng muka talaga. Na alala ko tuloy si Bitch Reverie. Ma amo din muka non. Muka ding mabait at hindi makabasag pinggan. Kaso ang ugali ugh kabaligtaran ng muka.
"Avi may medium daw sila nito. Sukatin mo nga"
Speaking. 4 days na ng umalis sya. Aba ang gaga hindi pa nagpaparamdam ah. Kinain na ata pasalubong sakin.
"Avigail may pogi don oh. Matangkad, mukang athlete"
"Saan?" Agad kong nilingon ang tinutukoy nya.
"Wala naman eh" sabi ko at mas lalo lang tumawa si Claire. Hmp
"Tulala ka kasi dyan eh hahahaha straight kapa din?" Hindi ko sya sinagot at lumayo lang ng onti para mamili kuno ng damit.
"Uy sorry na. Joke lang" hindi ko sya pinansin
"Avi? Sorry na po. Cute mo kasi eh" ikaw ang cute. Magtigil ka. Humawak lang sya sa damit ko at parang batang nakagawa ng kasalanan.
"Bati na tayo po. Pansinin mo na ko. Iiyak ako sige ka" go on pfft mas cute ka umiyak.
"Iehh aviiiiiii sorrry naaa. Ililibri nalang ki-"
"Okay let's go. Gusto ko ng stake" masayang hinarap ko sya
BINABASA MO ANG
Not A Love Story
RomanceKailangan pa ba ng description? Ugh fine. . . . Proud Single and I love Ignoring people like I'm taken. I AM NOT MY FRIENDS --Avigail Open minded people only Pfft gxg story Warning: Wrong grammar and spelling ahead