Chapter 17

296 35 15
                                        

"Ate! Bangon na! Kakain na daw!"

Olivia

It's Olivia

She's the one I kissed

Why?

Bakit hindi sya umiwas? She kissed me back.

It's not just a peck.

It's a fu***** 10 mins make out session.

"Ate! Paubos na yung kanin!"

Tinignan ko ulit ang video. Sobrang daming nangyari. It's 1 hour long. Just imagine. Ang dami ko pang naka usap. Ang dami ko pang pinaggagawa ng lasing. Ugh

"Ate Avi! Wala ng ulam! Mag luto ka nalang daw!" Hays.

"Wala akong gana! It's my day off! Wag kayong istorbo" sigaw ko dahil katok ng katok ang kapatid ko. Hindi pa nga ako nakakatulog eh

"Ha?! Anong walang gana?! Ma! Pa! Si ate mamamatay na ata! Wala daw sya gana kumain!" Ugh nagtalukbong nalang ako ng unan.

I just want to sleep. . . .

*Kringggg

*Kringggg

"Hello?"

"Bitch tumawag sakin kapatid mo. Mamamatay kana daw? Ano dadalin ko sa burol mo?"

"Steak. Tapos chicken joy. Tapos ice cream and then chocolate cake. Palabok din. Baked oyster din or scallops" sabi ko kay Bitch Reverie.

"Hmm okay. Bye"

"Byeee" pagkababa ng tawag eh natulog na ako. . . .

"Avi"

"Hmm"

"Bangon na. Kumain ka muna. It's 2pm" ayawww antok akooo

"Dala ko na lahat ng pagkain na gusto mo sa lamay mo" napadilat naman ang isang mata ko sa sinabi nya.

Sinilip ko sya. Bagong ligo ata ah. Ganda talaga ng mata nitong si bitch. Para akong tumitingin sa dagat.

"Everything?" I asked. Tumango lang sya.

"Okay po" bumangon na ako at inalalayan naman nya ako.

"Where's my phone?" Tanong ko. Katabi ko lang yon ah. Fu** playing pa naman yon tas naka loop.

"Here" inabot nya sakin. Nakita ba nya?

"You watched it?" Ngumiti lang sya.

"No need. I already saw it live. I didn't know it's you. Medyo lasing nadin kasi ako non" tinignan ko ang mga mata nya. She's not jealous na?

"Naka move on kana talaga sa kanya?"

"Yeah. I don't love her enough para magpakalunod sa sakit. I'm done with my unrequited love" ohh good for her.

"But you? Anong nararamdaman mo ngayon?"

"I don't know"

"Bakit ba kasi hiningi mo pa kay Ashley yan?" Napayuko lang ako.

"Expecting something I guess. Let's go, gutom na ako" nagpunta muna ako ng shower room para maghilamos at ayos ng onti. Nauna naman na syang bumaba.

Tinignan ko ang sarili sa salamin.

Bakit nga ba? Ano ba gusto ko malaman? Tsk yan kasi.

Pagbaba ko ay wala na si Reverie. Umalis na daw at sasamahan pa nya ang kapatid. May bibilin daw.

Nagpasalamat lang ako sa chat.

"Hindi naba talaga kayo magbabalikan anak?" Tanong bigla ng ina ko. Oo nga pala, alam nila naging kami talaga.

Not A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon