Two days after kong mapanood ang Video. I'm okay now. Like nothing happened.
Ito nga at nasa University ako. May event yung isang college so dapat present ako. Tsk hindi naman ako mag speach. Makiki picture lang. Ganda lang labanan hahahaha
Andito nga si Claire at Kaibigan eh. Imbitado mga alumni. College of Architecture.
"So saan tayo kakain?" Bungad ko ng makita ko sila magkasama. Himala hinayaan ni Ash si Kaibigan.
"Kaibigan puro pagkain laman ng utak mo din talaga" eh sa nagugutom ako ano magagawa?
"Pfft tara na. My treat" Sabi ni Claire. Syempre ako itong buraot. Go lang kung saan.
Nagpunta kami sa isang samgyupsal. Unli pfft. Syempre sila tagaluto. Ako taga kain lang. Tsk di ko rin maintindihan sa mga unli talaga. Ang mahal mahal kami na nga magluluto. Tas may service charge pa like ano ginawa nyo?
"Parating nadaw si Olivia" O.O huh? Nagulat ako sa biglang sinabi ni Claire.
"Really? Speaking nga pala Kaibigan. Balita ko alam mo ng si Olivia ang nakahalikan mo ah"
*Cough!
*Cough!
"K-kai *Cough! Kaibigan naman!" Nabilaukan pa ako.
"Oh really? Since when? Teka eh bakit lasing na lasing sya nung nakaraan? And what happened to Reverie?" Another huh?
"Nasa bar kadin nung isang araw?" Tanong ko kay Claire.
"Yup, mga 2 na ata. Naabutan ko lang si Olivia lasing na lasing tas umiiyak sa labas ng kotse nya. Tinanggihan ata yung service" whe? Eh pano naka uwi yon.
"Hinatid mo pauwi?" Tanong ko.
"Yeah. She's wasted. Kaya nga sya pupunta. Magpapasalamat daw. So sabi ko libre nya nalang tayo. Pero maiba. Naghalikan kay-"
"No! T-that's I'm drunk. Maybe sya din. Kaya ayun" kumain nalang ulit ako. Gosh, bakit ngayon pa. Sila nalang muna ang nag usap usap. Ako kumain lang ng kumain.
"Sorry I'm late"
*Cough!
"Ouch! W-water" napaso tuloy ako. She's here.
"Water" agad kong kinuha ang inabot nya.
"T-thank you. Upo kana" sabi ko sa kanya. Dahil sa tabi ko lang may space eh no choice. Magkatabi kami
"Kaibigan ikaw naman magluto. Baka gusto mo kaming pakainin?" Reklamo ni Kaibigan.
"Ieh kaya nyo nayan. Mahina pulso ko sa kamay. Hindi ko kayang humawak ng tong"
"Pfft. Let me" narinig kong tumawa ng mahina ang katabi ko.
"Oh si Olivia na daw" gatong ko pa. Nag suggests naman sya eh. Why not.
"Kapal talaga ng muka nito." Hindi ko sya pinansin at nakikain kain lang. Sumasabay naman ako sa pag uusap pero madalas busy ako sa pagkain.
"Avi"
"P-pho? Whytch?" Pagharap ko sa kanya ay pinunasan nya lang ang labi ko.
"Done. Pfft sorry, pati kasi pisngi mo kumakain na" nahiya naman ako onti. Eh masarap kumain eh.
Tinignan ko sya. Ang prim and proper nya naman kumain. Nadako ang tingin ko sa mga labi nya.
Sarap din ng labi nito eh
"W-what?"
"Ha?" Tanong ko at narinig ko nalang ang pagpipigil ng tawa ng dalawa. Wait.
"Pfft Olivia gusto pa ata ng isa." Sh** sinabi ko ba yon?

BINABASA MO ANG
Not A Love Story
RomantikaProud Single and I love Ignoring people like I'm taken. I AM NOT MY FRIENDS --Avigail Open minded people only Pfft gxg story Warning: Wrong grammar and spelling ahead