Tahimik akong kumakain sa Cafeteria at hinihintay si Sele. Isang subject nalang ang papasukan ko mamaya, PATHFIT 3. Makakauwi ako ng maaga at may oras pa ko para kitain si Vincent."Zaia!" tawag saakin ni sele mula sa entrance ng Cafeteria
Kinawayan ko siya at sinensyasan na huwag siyang sumigaw ng malakas.
"Kamusta? Umorder na ko ng pagkain." inilabas ko ang cellphone at naka received ng text kay Vincent kung saan kami magkikita mamaya.
From: Vincent
Magkita tayo sa Infinitea malapit sa school niyo. 4pm sharp.
Ibinaba ko iyon at nagsimula nang kumain.
"Sumali ako sa volleyball women, nakita kita sa list." banggit niya habang puno ang bibig
"Teka, ubusin mo muna yung kinakain mo bago ka magsalita" dali dali niya iyong nginuya, mukhang nabulunan pa siya kaya agad kong inabot ang tubig.
"Natuwa ako nang makita kita sa list dahil maglalaro ka na." Aniya at hinawakan ang kamay ko
Ayoko lang talagang mapanuod ng maraming tao. Hindi naman ako sanay sa mga matang nanunuod habang naglalaro ako. Masyado akong na tetense.
"Hindi ko intensyon na sumali, pero dahil nandito na, uurong pa ba ako?" Patuloy ko habang kumakain
Marami pa kaming napag kwentuhan ni Sele dahil hindi na kami masyadong nagkakasama. Nasa kabilang section din kasi siya at masyadong competitive ang section na 'yon. Mabuti nalang at napunta ako sa 2B na tulong tulong sa loob ng klase.
"Mamaya pala ay magkikita kami ni Vincent sa Infinitea, mauna ka na munang umuwi." paalam ko sa kaniya. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin.
Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin. Ayaw rin kasi ni Vincent na may sinasama ako lalo na kapag magkikita kami. Napaka arte din kase ng taong yun, kutis gatas.
"Pasabi nalang sa kaniya next time kami nalang magkita" biro ni Sele
Nang matapos ang kinakain ay nagpasya na kaming bumalik sa building. Last subject na namin ang PATHFIT kaya naman ay humiwalay na ako sa kaniya at pumunta sa Pavillion, bandang ibaba lang ng building.
"Makinig kayong lahat. Hindi raw muna mag tuturo si Ma'am Sayson, mag groupings daw tayo para sa magiging activity natin which is Dance sports." anunsyo ni Rye sa buong klase
Marami ang naghiyawan sa mga kaklase ko lalo na ang mga mananayaw. Ang iba naman ay inisip ang sabay sabay na gawain na ibinigay bago ang gaganaping Intercollegiate.
"Okay, ako nalang ang mag rarandomize ng group" ani Rye
Nag set siya ng wheel randomizer at inilagay ang bawat pangalan ng mga estudyante. Matapos ma i randomize ay nagsilapitan at nagsama sama na ang mag kakagrupo.
"Dito po ang group 2" tawag ni Liander
Lumapit ako kasabay si Drex. Mukhang mag ka grupo kami. Hinati sa limang grupo ang section B.
"Mukhang sakto ang babae at lalaki ah" ani dorothy.
Napagpasyahan ng grupo na hindi muna pagtutuonan ang practice ngayong araw. Nag meeting kami kung sino ang magiging mag ka partner sa gagawing sayaw.
"Since tatlong pares sa bawat grupo, ako at si Liander, Si Hyacin at Elena, and Aezhi at Drex." sunod sunod niya kaming itinuro
Wala silang imik at reklamo sa pag pares sa amin maging si Drex ay tinapunan lang ako ng tingin at patuloy na nakinig. Magkahalong kaba at hiya ang nararamdaman ko. Ang pagkakaalam ko sa gagawing sayaw ay madalas ang physical touch lalo na ang paghawak ng kamay. Iniisip ko palang iyon ay nahihiya na ako sa mga mangyayare.
YOU ARE READING
Love Developer(IT Series #3)
RomanceInformation technology is Aezhi's third preferred course due to her elder brother's influence. She unfortunately failed the other courses. She once or twice decided to make an app because she was starting to like what she do as an IT. Due to a few i...