Chapter 7

25 1 0
                                    

"Hinding hindi na talaga ako iinom" reklamo ni Belle na kanina pa sumasakit ang ulo sa hangover

Hindi ko na alam ang nangyari sa kanila matapos maunang umuwi sa bahay. Hindi na ako nagpabukas pa kay lola dahil may susi naman akong dala. Kinaumagahan ay sumakit din ang ulo ko kaya kumain agad ako ng mahahalang na pagkain.

"Hindi na rin ako magpapauto sayo Belle, first time ko uminom." reklamo ko pabalik kay Belle

"Weh, ang galing niyo nga gumiling Ni Belle sa gitna eh, nakita ko yun." pang aasar ni Jasper na ani mo'y hindi gumawa ng kababalaghan kagabi.

Nagtawanan silang dalawa at si Drex naman ay napangiti lang. Napatigil ako saglit. Medyo dumadalas na ang pag ngiti ni Drex at hindi ko na masasabing once in a blue moon lang yun, siguro ay twice or thrice.

"Anong nginingiti mo jan? Kala mo ba hindi ko natatandaan? Kung hindi mo sana ako hinayaan na mahila ni Belle ay hindi ako mapapagiling ng wala sa oras." puna ko sa nakangiting si Drex

Nawala ang ngiti sa mga labi niya at humalukipkip. Mas lalong lumakas ang tawanan dahil sa sinabi ko kay Drex. Mas nagiging malapit na din kasi kami sa isa't isa nitong mga nagdaang araw. 

"Bakit hindi mo ko tinawagan?" seryosong tanong niya

Inilibot ko ang tingin at inaalala iyon. Oo nga pala, nalimutan ko na rin dahil mabilis akong dinalaw ng antok kagabi. Siguro ay dahil iyon sa nainom kong alak.

Napakamot ako sa ulo.

"Nalimutan ko, sorry." tanging sagot ko

Napalinga linga nalang ako sa paligid dahil nakatitig siya ng may pagkadismaya saakin. Hindi talaga pumasok sa isipan ko ang tawagan siya dahil mas nangibabaw ang mga alaala ni Elix kagabi. 

Nagulat ako sa aking kinauupuan ng makitang nakahalumbaba si Jasper sa table at pababalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Drex.

"Sure na ba talagang walang something sa inyo? Naninibago ako sa ambience." aniya

Maya maya ay naghalumbaba na rin si Belle at sinang-ayunan si jasper

"Oo nga? Pansin ko rin" pagsang ayon nito

Mabilis kong itinuon ang atensyon sa ginagawa. Sa twing napupunta sa ganoong sitwasyon ang usapan ay natataranta ako. Baka ay kung ano ang isipin ni Drex saakin kaya naman ay umiiwas ako kapag ganoon.



Dumating na ang araw ng Intercollegiate matapos ang mahabang preparation. Napuno ang field ng estudyante ng bawat department. Napaka lakas ng sigawan ng mga tao dahil maglalaban laban na ang pinakamagagaling na player ng State College. Nagsimula ang event at pumunta na sa kaniya kaniyang mga assigned place. 

"Standby lang kayo ICS Team. Hinihintay lang kung sino ang makakatapat niyo na Department." anunsyo ni Sir Gaban, ang humahawak ng Sports Club.

Nagtipon tipon ang mga player ng Volleyball Girls at nagsimula ng mag warm up. Pagkatapos ay nag jog kami ng sampong laps. Maya maya ay dumating ulit si sir Gaban at sinabi na ang makakalaban namin ay ang CBPA. 


"Ang malas naman natin, magaling agad ang makakalaban" ani Zelovee na nag susuot ng knee pad sa gilid

Ang alam ko ay isa ang CBPA sa magagaling pagdating sa ball games, kaya naman ay ganoon nalang ang reaksyon ng iba sa mga player.

"Hindi ibig sabihin na magaling ang kalaban ay panghihinaan na tayo. We are the undefeated ICS Team guys, let's think in a positive way." panghihikayat sa amin ni Dalia ang team captain.

Love Developer(IT Series #3)Where stories live. Discover now