Chapter 10

13 1 0
                                    

"I've missed you Aezhi!  We were so worried but we can't pay a visit." mahigpit akong niyakap ni Belle pagkapasok. Inusisa nila ako sa kalagayan ko nitong nakaraan at sabing babawi sila saakin. Hindi na rin naman kailangan dahil hindi naman ako ang dapat pagtuonan nila ng pansin noong panahong nasa hospital pa ako.

"Okay lang 'yon, ako nga ang dapat bumawi dahil hindi ako nakatulong masyado sa group activities natin." 

This week na ang presentation ng mga software. After nito ay marami nanamang mga upcoming events sa school. Mabuti nalang ay nakakasurvive pa rin ako ngayong 2nd year dahil mababait ang mga kaklase ko. 

"Marami kang na missed na activities, hindi ka ba nasasabihan ng mga instructor natin? Baka kasi mag ka problema ka sa midterm." prenteng nakaupo si Jasper sa swivel chair at inikot ito para makaharap saamin

 Nakuha ni Jasper ang atensyon ko, bigla tuloy akong napaisip. Wala ni isang instructor ang nag inform saakin kung may hahabulin akong grades. Dapat sigurong mag tanong ako mamaya sa faculty office about d'yan.

"May mga activities kang na missed pero so far kumpleto ka naman sa ibang activities." Kausap ko ngayon ang pang huling instructor na napagtanungan ko about sa performance ko

"Ah ganoon po ba sir? sige po, salamat" paalam ko at tuluyan ng lumabas ng pinto

Hindi naman siguro nabagok ang ulo ko para hindi maalala na hindi ako nag papasa ng mga activities. Oh baka naman dahil sa malalaks na tama ng bola sa mukha ko ay naapektuhan na ang utak ko? nagpapasa ba ko habang tulog ako sa hospital? malamang hindi.

Prente akong naglalakad sa hallway ng maaninag ang pamilyar na mukhang iyon. Si Elix kasama si Alizhiu. May kasama rin silang iba na medyo nakikilala ko dahil taga kabilang section lang din naman. Bigla akong napaatras at tumago sa nakabukas na pinto ng classroom.

Akala ko ba break na sila ni Alizhiu?

Kung makapulupot ng kamay sa braso ni Elix ay parang okay na okay sila. Parang noong nakaraan lang ay iba ang pakikitungo saakin ni Elix. Sabi pa niya ay tutulungan niya ako sa application ko. Oh baka naman ay nag assume lang ako sa mga kilos niyang iyon. 

Dahil wala na rin naman kaming susunod na subject ay lalabas na lang ako kasama si Sele. Bigla rin akong nagutom kaya sinisipag akong maglakad hanggang elevated. Nag message na ako sa kaniya kaya magkikita nalang kami sa labas. Bahala na si Elix, mukhang nakalimutan na rin naman niya. 

"Zaia! ano tara g?" akit niya at biglang hinigit ang braso ko

Hindi kalayuan ang paglalakad namin ng masipat na ng mata ko ang ilang street foods na nakahilera sa gilid ng park. Amoy na amoy na agad ang mabangong usok na nagmula sa nilulutong ihaw-ihaw. Kumuha kami ng tig isang plastic cup at pinuno ng iba't ibang mga frozen foods lalo na ang paborito naming isaw.

"Hindi talaga ako magsasawa rito." si Sele

"Bumalik ulit tayo kapag may time" saad ko at patuloy na kinain ang dala-dala

Marami ang bumilibili roon at halos magsarado na ang daan dahil sa dami ng taong nakaharang. Mga estudyante ng iba't ibang school ang nakikipagsiksikan. Marami akong nasipat na mala artistahin ang dating. Sa uniform pa lang ay alam ko ng taga Mabini Sila. Private school nga naman.

Abala ako sa pag namnam ng kinakain ng may biglang ininguso saakin si Sele. Nagtataka pa akong tinaasan siya ng kilay. nakakagat pa ako sa isaw na hawak ko ng lumingon ako sa likuran ko. Pinanlakihan ko ito ng mata dahil sa gulat.

"I thought you wanted me to help you with your app." nakapamulsa sa siya at biglang naningkit ang mata. "I told you that I'll pick you up every end of the last subject pero wala ka na agad sa school. Are you avoiding me?"  tanong niya

Love Developer(IT Series #3)Where stories live. Discover now