Gumising akong unang nakita ang mukha ni Sele. Nanghihina kong buong iminulat ang mga mata ko. Nasa Hospital nga pala ako kaya puro puti ang nakikita ko sa paligid, akala ko ay nasa langit na ako.
Mainam akong umangat ngunit mabilis akong pinigilan ni Sele. Inihiga niya ako ng maayos.
"Zaia, mabuti naman at gising ka na." nag aalala niyang sambit
Wala na ang ekspresyon ng mukha niya noong huling kita ko sa kaniya. Malamlam na ito at maamo. Kanina niya pa hawak ang kamay ko simula ng magising ako.
"Nasan si Lola?" tanong ko
"Pinag pahinga ko na muna si Lola Cora, dalawang linggo ka niyang inaasikaso." sambit nito na hindi inaalis ang tingin sa akin
Nalaman ko na limang araw na raw akong tulog at hindi gumigising. Dalawang linggo na simula ng isinugod ako sa Hospital kaya naman ay nag alala ako sa kalagayan ni Lola na siyang nag alaga saakin.
"Akala ko ay magiging okay ka kapag nag laro ka ulit. Hindi pa rin pala kaya ng katawan mo." aniya
Bata pa lang mahina na ang immune system ko at palagi akong nagkakasakit. Nawala naman siya habang tumatanda ako kaya akala ko ay ayos na ang kalagayan ko. Sabi pa ng doktor, dahil daw sa sobrang pagod ko o kaya ay natutuyuan ako ng pawis.
"Bagsak na ba ako?" nag aalala kong naitanong. Bahagya siyang tumawa ng makita ang ekspresyon ko.
"Hindi, naipaalam ko na sa mga Instructor natin. Kailangan mo nalang humabol sa mga na missed mong lesson" paliwanag nito
Hindi na ako nagtagal pa sa Hospital dahil napaka laki na ng babayaran na bills. Ngayon ay nililinis na namin ang mga gamit at naghahanda na sa pag alis. Nagulat ako ng makita ang bayarin sa mga gamot at iba pang expenses. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ipangdadagdag ko doon. Ayoko na man nang maging pabigat pa kay Mr. Alonzo dahil marami na kaming nakuha mula sa kaniya. Mas lalo tuloy akong na stress.
"Apo, wag ka mag alala, gagawa ako ng paraan." puna ni lola saakin ng mapatulala ako bigla
"Hindi Lola, ako na po ang bahala. Ako na po ang gagawa ng paraan"
Napagpasyahan kong huwag nang ipaalam pa kay Vincent ang nangyari saakin dahil alam kong examination week na at ayoko ng makadagdag pa sa isipin nila.
Nasa cashier kami para sana ayusin ang bills namin ng biglang sumulpot nanaman sa tabi ko si Elix na may dalang paper bag. Naka plain chocolate brown t-shirt at light brown na Cargo shorts siya at kitang kita ang kaputian ng legs niya. Nagtataka pa siyang tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Zaia, okay ka na?" bakas ang pag aalala sa mukha niya
Ngumiti ako at tumango. Nakakatayo naman ako kaya masasabi kong okay na ako.
"Ma'am, I'm sorry but we can't release you po until you paid the bills" Napalingon kaming lahat sa cashier
Tiningnan ko si Lola na nag aalala sa tabi ko. Akala ko ay pagbibigyan kami dahil ma dedelayed lang ang bayad pero hindi rin pala. Nagdadalawang isip pa rin ako na tawagan si Vincent.
Nakatutok ako sa cellphone ko at nag re-ready na i-dial ang number ni Vincent. Lumayo ako ng kaunti sa kanila upang kausapin na si Vincent pero walang sumagot sa tawag ko. Nagulat na lamang ako ng biglang nagsalita ulit ang cashier.
"Ma'am, wala na po kayong poproblemahin. Zero na po ang balance niyo."
Ang kaba na kanina ko pa nararamdaman ay naibsan. Pinaulit ko uli ang sinabi niya dahil akala ko ay nagkakamali lang ako sa aking narinig. Nabuhayan ako ng dugo at nawala ang pag aalala.
YOU ARE READING
Love Developer(IT Series #3)
Roman d'amourInformation technology is Aezhi's third preferred course due to her elder brother's influence. She unfortunately failed the other courses. She once or twice decided to make an app because she was starting to like what she do as an IT. Due to a few i...