Labing tatlong taon na ang nagdaan simula nang iwan ako ni Mami. Napakabilis lang ng panahon at nandito nanaman ako nakaharap sa puntod niya. Ngayong araw ang death anniversary niya na mismong araw din kung kailan ako ipinanganak.Sariwa parin sa alaala ko ang araw ng aksidenteng iyon. Sinisisi ko parin ang sarili ko sa lahat ng nangyare.
"Happy death anniversary Mami. Hindi na po teenager ang anak niyo." marahan akong tumawa
Kahit pinilit kong gawing masaya ang araw na ito ay mas nananaig lamang ang kalungkutan. Feeling ko ay mag isa nalang ako.
"Miss na kita Mami" hindi ko na napigilan ang maluha habang pinupunasan ang lapida
Hindi ko pwedeng sabihin na hindi ko kaya, pero pagod na rin ako. Pinangako ko sayo na aalagaan ko si Lola at magtatapos ako. Yun na din siguro ang pinanghahawakan ko para magpatuloy pa.
"Kailan kaya magiging happy ang birthday ko?" tanong ko sa kawalan
Tumayo ako at nagpaalam na umalis. Maaga akong pumunta sa puntod para makaabot pa rin ako sa mga subject ngayong araw. Nilakad ko simula labasan ng cementery hanggang sa sakayan. Bago pa man ako makarating sa waiting shed ay bumuhos na ang malakas na ulan.
Agad kong itinakip ang shoulder bag na hawak ko. Nakarating ako sa waiting shed at doon ay napansin ang nabasa kong damit. Wala pa naman akong dalang payong. Paano kaya ako nito makakapasok bago pa magsimula ang first subject? Malas naman.
Inilabas ko ang panyo at sinimulang punasan ang buhok ko at ang katawan na nabasa. Siguro naman ay matutuyo ako pag dating sa school dahil mahangin naman sa sasakyan kong jeep. Wala nga lang akong payong o pamalit na damit. Tatakbuhin ko nalang siguro 'to.
Nakatuon ang pansin ko sa ulan. Ni hindi ko nga napansin na may lumapit saakin at nagpatong ng jacket sa ulo ko. Hindi agad ako nakapag react sa amoy ng jacket dahil sa sobrang bango ng amoy, masasabi kong pang expensive ang pabango na iyon base sa tapang nito.
Unti unti kong inayos ang jacket sa pagkakalagay sa ulo ko at pinagmasdan ang paligid. Wala akong napansin na kung sinong magtatangka na maglagay nito dahil malayo naman ang ibang mga naghihintay rin ng sasakyan at nasa pinakagilid ako.
Hindi ko na ito pinansin at sumakay na lang sa kararating lang na jeep.
Nagsimula na ang klase ng pumasok na ang Instructor namin sa Programming 3. Diniscuss niya ang mga bagay patungkol sa pag develop ng software application. Ito ang pinaka exciting na part sa pagiging IT ko.
"Magsama sama na ang mag kakagrupo and continue to finish developing software. You have to finish before the upcoming Intercollegiate." paalala ni sir Gaban at umalis na.
Pumwesto na ako sa pinakalikod kung saan naroon ang mga kagrupo ko. Mabuti nalang at napunta ako sa group na maayos ayos dahil hindi ako masyadong magaling sa pag cocode.
Ito nalang kase ang natitirang choice ko na course kaya pinanindigan ko na kahit na may gusto pa akong ibang kurso.
"For now magfocus tayo sa basic stage ng SLDC. Tapos na ang Analysis at Design kaya more on Development nalang muna tayo." ani Belle na leader ng grupo
SDLC o Software Development Life Cycle ay process na nag poproduces ng software with the highest quality and lowest cost in the shortest time possible. SDLC provides a well-structured flow of phases that help an organization to quickly produce high-quality software which is well-tested and ready for production use.
Lahat sila ay naglabas ng kanya kanyang laptop. Tinignan ako ni Belle ng may pagtataka ngunit agad ay naintindihan ang sitwasyon ko. Wala pa kasi akong laptop at hindi naman pwedeng gawin iyon sa cellphone lang. Kahit ramdam ko ang hiya ay wala pa rin akong magagawa.
YOU ARE READING
Love Developer(IT Series #3)
RomanceInformation technology is Aezhi's third preferred course due to her elder brother's influence. She unfortunately failed the other courses. She once or twice decided to make an app because she was starting to like what she do as an IT. Due to a few i...