Dumidilim na ang langit ng makauwi kami ni Elix sa bahay. Hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit niya gusto mag stay sa bahay ngayong gabi pero agad namang pumayag si Lola ng magpaalam ito mismo sa kaniya. Dumaan kami sa bilihan ng damit para makapag palit na rin siya ng nabasang damit. Nabigla ako ng ilang shopping bags ang dala niya palabas at ang laman ng iba ay mga damit na para saakin at kay Lola. Ganito ba bumili ang mayayaman?Nakahanda na ang hapunan ngg makarating kami sa bahay. Marami-rami ang niluto ni Lola dahil alam niyang kasama namin ngayon si Elix. Maayos naman ang loob ng bahay dahil malinis ito, sigurado akong magiging comfortable siya kahit na sanay ang katawan niya sa mga magagarang gamit.
"Anong ang buong pangalan mo iho?" pinagtuunan ng pansin ni Lola si Elix
Napaka sweet ng dating niya kapag kausap niya ang Lola ko. Napaka cute ng side niyang iyon kaya naman ay napapangiti ako habang pinagmamasdan silang nag kukwentuhan. Hindi ko inaasahan na makikita at makakasama ko si Elix sa ganitong sitwasyon. Sa tingin ko ay ito na ang unang hakbang para makilala ko siya ng lubos. Marami pa kong hindi alam sa kaniya at gustong gusto ko rin na malaman ang mga bagay tungkol sa kaniya.
"Elixir Andrei Villareal po." sa paraan ng pagkabigkas nito ay siyang dahilan upang matulala ako. Ang ganda ng pangalan niya, kakaiba. "Ipinangalan po sakin ang Elixir dahil ako po ang naging magical potion noong dumating ako sa buhay nila. Napawi ko raw po ang kalungkutan ng Mom ko." paliwang nito
Namamangha ngunit nagtataka din ang itsura ni Lola. Habang ipinagpatuloy nila ang pagkain ay nagsalita ulit ito.
"Matanong ko lang, iho. Sino ang mga magulang mo?" nakangiti ngunit kunot ang noong tanong ni Lola.
"Anak po ako ni Eulalia Anessa Villareal at Rocco Villareal" nakangiting sagot nito
Unti unting naglaho ang ngiti ni Lola habang nakatitig kay Elix. Parang kinakabisado nito ang buong mukha ng lalaki. Nakapagtataka dahil kitang kita ko ito maging si Elix.
Nililingon ako ng mga mata ni Elix dahil nagtaka ito sa inasta ni Lola. Maging ako ay nagtataka din sa nakikita. Bakit ganoon nalang ang reaksiyon ni lola ng malaman niya ang pangalan ng mga magulang ni Elix?
"Kaya pala nahahawig mo siya" matapos sabihin iyon ni Lola ay ipinagpatuloy na niya ang pagkain
Nag iwan ng malaking katanungan sa isipan ko kung bakit iyon nasabi ni lola. Anong alam niya tungkol sa pamilya ni Elix? Nahahawig sino? Hindi ko mapigilan ang mag usisa sa mga bagay na ito lalo na at may koneksyon sa lalaking nagugustuhan ko. Mas lalo lamang nanaig ang pagkasabik ko patungkol sa lalaking ito.
Hindi na uli nagtanong pa si Lola patungkol sa kaniya at nag usap nalang sa ibang bagay. Naging maayos naman ang pag uusap sa hapagkainan at marami pa kaming mga bagay na pinagtawanan. Iniwas namin na magtanong patungkol sa bagay na hindi na dapat pang pag usapan. Halata namang may kakaiba kapag pamilya ni Elix ang pinag uusapan.
Ako na ang nag linis ng lamesa at naghugas ng mga pinggan. Bigla akong napatalon dahil nakatayo sa likuran ko si Elix at tila nanunuod sa paghuhugas ko. Nailang ako sa mga tingin niya at mas lalong binilisan pa ang pag huhugas ng pinggan. Para siyang kabute na lagi nalang sumusulpot kung saan. Pinaglihi ba siya do'n?
Pati ba naman pag huhugas ko ay pinapanuod niya, jusko kung ganito lang sana araw araw para sipagin ako, kahit pa buong bahay ang linisin ko go lang.
YOU ARE READING
Love Developer(IT Series #3)
RomanceInformation technology is Aezhi's third preferred course due to her elder brother's influence. She unfortunately failed the other courses. She once or twice decided to make an app because she was starting to like what she do as an IT. Due to a few i...