Chapter 4

31 2 1
                                    


"Lola, andito na po ako" tawag ko pagpasok ng pintuan

Sumalubong siya saakin at hinagkan ako sa noo. Nagmano ako at iniabot sa kanya ang mga pinamili kong makakain niya. Binilhan ko na din siya ng mga gamot na iinumin niya.

"Galing ba ito kay Alonzo apo?" tanong ni lola

Tinanguhan ko siya ng mapakla. Kailangan ni lola ng gamot dahil sa sakit niya at hindi na ako tumanggi na tustusan siya ni Mr. Alonzo. Alam kong hindi naman dahil sakin ang pagbibigay niya ng pera kundi dahil kay Mami.

"Nagkita ba kayo ng kapatid mong si Vincent?" dagdag pa ni lola

"Opo, bumawi ho siya sa birthday ko lola, ikinakamusta din ho niya kayo" sagot ko

Half brother ko si Vincent at Kuya Jest. Si Mr. Alonzo ang Dad namin na siyang nag tutustos sa gastusin namin sa bahay. Wala na ang Mommy nila Vincent at si Mami naman ang pangalawang asawa niya. Simula ng mawala si mami ay hindi na niya ako pinagtuunan ng pansin. Ang alam ko ay ako ang sinisisi niya sa pagkamatay nito. Nang mapagpasyahan niyang mag aral ako sa probinsya at sa Manila naman ang mga kapatid ko, naintindihan ko na na mayroon ng harang sa pagitan namin. Okay lang naman saakin dahil hindi naman niya kami pinabayaan dito.

"Sumali nga po pala ako sa volleyball at bukas na po ang simula ng pratice namin, madalang po akong makakauwi ng maaga. Ihahabilin ko nalang po kayo kay aling Gloria, mag iingat po kayo dito tuwing wala ako" paalala ko sa kaniya

Lumapit saakin si lola at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Tinitigan niya akong mabuti at pinasadahan ang bawat parte ng mukha ko. Makikita mo sa mga mata niya ang saya.

"Para ka talagang si Zareen, kuhang kuha mo ang halos lahat sa iyong ina" may halong lungkot ang pagbigkas niya ng mga salitang iyon

Marami ang nagbago simula ng mawala si Mami. Bata pa lang ako noon ay marami na akong nalaman na hindi pa dapat alam ng isang batang katulad ko. Mas lalong naging mainitin ang ulo ni Mr. Alonzo at si Lola naman ay naging matamlay. Lahat ng iyon ay dahil saakin.

"aakyat na po muna ako lola, pagkatapos ko po ay magluluto na ako ng pagkain" paalam ko at dumiretso na sa kwarto

Nahiga ako saglit bago maglinis ng katawan. diretso akong nakatingin sa kisame at iniisip ang mga nangyare kanina.

Hindi ko namamalayan ang pag ngiti ko nang maalala ang mukha ni Elix kanina. Kakaiba ang nararamdaman ko tuwing makikita siya di tulad ng ibang lalaking nahahagip ng mata ko. 

Agad ding nawala ang imahinasyon ko ng mapagtanto kung bakit siya naroon. May kasama siyang babae na mukhang kasintahan niya dahil dalawa lang naman silang magkasama sa table. 

"Hindi ako pwedeng mainlove ng basta basta dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako mag cocommit, at tyaka hindi pwede." bulong ko sa sarili

Mabilis lang akong ma gwapuhan sa mga lalaki pero never ko silang hinabol o pinursue kaya naman ay kampante lang ako sa mga nararamdaman ko nitong mga araw.

Hindi ko na inisip pa ang mga iyon at nag asikaso na.


Maaga akong gumising upang maghanda sa practice namin ngayong araw. Naabutan ko din si Lola na nag aayos na ng mga tanim sa bakuran. Patungong hapagkainan ay naamoy ko ang mabangong amoy na nanggaling sa kusina at nakita ang nakahain na mga pagkain. Mukhang inihanda na ni Lola.

"Lola, sabay na ho tayo kumain" tawag ko mula kusina

Agad itong pumasok at dumiretso sa lababo para maghugas ng kamay. 

Malalim ang pagkukwento ni Lola habang kumakain kami. Madalas niyang nababanggit ang pangalan ni Mami na tila ay sariwa pa sa alaala niya ang pagkabata nito. Hindi ko mapigilang maramdaman ang lungkot sa pangungulila niya.

Love Developer(IT Series #3)Where stories live. Discover now