Kanina pa ako nakatulala sa labas ng bahay nila. Ang buong paligid ay napapaligiran ng mga maliliwanag na ilaw. Bigla akong nalungkot, ganitong ganito ang itsura ng lugar kung saan naganap ang kaarawan ko na kasama pa si Mami. Tabing kalsada lang din at malawak.
Tumayo sa tabi ko si Elix. Kitang kita sa peripheral vision ang paglingon niya saakin. Tinapik niya ang braso ko at isinenyas ang bahay. Tumango ako at nagsimula ng maglakad. Bumuntong hininga ako ng maalala nanaman ang nakaraan.
"you sighed three times. Okay ka lang?" puna niya
"May naalala lang" pilit akong ngumiti
Nang makarating sa harapan ng malaking pinto ay tumigil si Elix at hinarap ako. Malalim na buntong hininga bago niya hawakan ang doorknob. Ngunit bago niya buksan iyon ay napatigil nanaman siya.
"If you're uncomfortable, kumain nalang tayo sa labas." Kanina pa niya ako binibigyan ng pag dadalawang isip. Iniisip ko kung ayaw ba niya akong makasama si Alizhiu o ayaw niyang makita si Alizhiu. Wala naman akong gagawin na ikagugulo ng hapunan.
"Nakakahiya na tumanggi kay tita at saka narito na tayo." Saad ko. Ibinukas niya ang pinto.
Kung gaano kaganda ang labas ng bahay ay siyang ganda rin ng loob. Masasabi mo talagang nakakaangat ang pamilya niya. May mga maid na nagkalat sa iba't Ibang sulok. Siguradong may taga luto naman sila ngunit mas pinili ng Mom niya na magluto dahil na rin kay Alizhiu.
Haha sakit.
Dumiretso na kami sa hapagkainan. Sakto lang ang haba ng lamesa, mga 12 na tao ang kasya. Nakaupo sa dulong gilid si Alizhiu katapat ang isang lalaking nakatalikod sa gawi namin. Nang mapansin kami ay abot tenga ang ngiti ng babae.
"Elixir anak, dito na muna kayo at maghintay. Sit beside AZ, okay?" paalala nito at tinulungan muna ang ibang maid na mag prepare sa lamesa.
Umupo ako sa pangatlong upang mula sa lalaking katapat ni Alizhiu. Pagkaupo ay agad kong nilingon si Elix.
"Sit here, Andrei."
Pabuka na ang bibig ko upang tawagin si Elix nang biglang nagsalita si Alizhiu. Isisenyas ko sana ang bangko sa tabi ko ngunit bigla ko itong binawi dahil umupo na rin naman si Elix sa tabi niya. Pumulupot agad ang mga kamay nito sa braso ni Elix. Hindi ko nakita ang pagrereklamo ng itsura niya katulad ng makita ko sila sa hallway.
"The food will be ready soon" Umupo na ang mom niya sa pinakadulong upuan.
May isang bangkong pagitan ang pwesto ko sa lalaki. Parang out of place ako tingnan dahil nagtatawanan sila.
"Hey, you're too far. Sit here miss." Nakatungo ako ng lingunin ko ang lalaking tumatawag saakin
Nakapatong ang kaliwang braso niya sa lamesa at nakaharap ang katawan saakin. Ang amo ng mukha niya at hawig na hawig niya si Elix pero mas matured. Ti-nap niya ang bangko sa tabi at hindi inalis ang tingin sa akin hanggat hindi ako lumipat ng upuan. Naiilang tuloy ako.
"That's better" umayos siya ng upo na parang wala lang
Nagsimula ng magkainan at hindi maiwsan ang mga kwentuhan. Umupo sa lap ni tita lali si Thaniel. Kanina pa sila nagtatawanan at ako ay nanatiling tahimik. Sa chismosang part ko, tungkol sa business ang pinag uusapan nila.
"Btw, Aezhi. How about your family business?" tanong ni tita lali
Napaangat ang tingin ko. Nasa pagkain ang tingin ni tita kaya naman ay hindi ko alam kung sino ba ang tinutukoy niya. Sumagot nalang ako.
"Sa daddy—"
"It turns out—"
Sabay naming sagot ni Alizhiu. Nagkatinginan kaming dalawa ng may pagtataka. Nanahimik ang paligid ng sabay din kaming napatigil.
YOU ARE READING
Love Developer(IT Series #3)
RomanceInformation technology is Aezhi's third preferred course due to her elder brother's influence. She unfortunately failed the other courses. She once or twice decided to make an app because she was starting to like what she do as an IT. Due to a few i...