Lunes na naman at napakadali lang ng sabado at linggo. Nakapag ensayo parin naman ako kahapon matapos matamaan ng bola sa pisngi, medyo mahapdi nga lang hanggang ngayon. Nandito kami ngayon sa student park at ipinagpapatuloy ang software project namin.
"ang aga niyo naman dito" masayang puna ng kararating lang na si Belle at kinurot bahagya ang pisngi ko matapos maupo
"aray!" iling ko nang kurutin niya ang kaliwang pisngi ko
Nanlaki ang mata niya at nagaalalang tumingin sa akin. Ewan ko ba kung bakit ang pinakamalakas na spiker pa ng ICS ang nakatama sakin kaya naging ganto ang pisngi ko. Siguro masakit din yun manlatatob.
"Hala, napalakas ba? Aezhi sorry, patingin nga." hinawakan niya ang mukha ko at itinihaya
Napatingin sa amin si Drex at Jaspher na mukhang nag aalala rin dahil naroon sila nang mangyare ang insidenteng iyon sa habibi. Nakita ko rin ang mabilis na paglapit ni Drex ng mahilo ako noon ngunit naunahan siya ni Elix. Si Belle lang walang alam sa nangyare kaya hindi niya 'yon sinasadya.
"Omg, bakit parang mapula na namamasa ang pisngi mo? may sugat ka pa sa labi." ani Belle
"Namukha lang sa practice namin sa volleyball, pero okay na ako." sambit ko ngunit kita sa mukha ang sakit dahil sa pagkurot ni Belle
Habang gumagawa ay paulit-ulit ang paghingi niya ng tawad sa nagawa. Paulit-ulit rin ang pagpapaliwanag ko na ayos lang iyon at hindi na niya kailangan pang humingi ng tawad.
Maya maya ay tumayo si Drex at tumungo kung saan na siya namang ipinagtaka ni Jaspher at lahat kami ay sinundan siya ng tingin. Bigla bigla nalang umaalis ng walang pasabi. Sabagay nature na talaga niya ang hindi magsalita.
"Saan punta noon? Hindi man lang nag sasabi." puna ni Jaspher
Nagkibit balikat kaming dalawa ni Belle, dahil maging kami ay hindi alam kung ano bang trip noon. Nakalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin bumabalik si Drex kaya pinagpatuloy nalang namin ang pag gagawa ng software.
Masaya naman ang pagiging IT, kung talagang gusto mo ang kurso at may skills ka sa pag cocode. Unti-unti na rin akong natututo dahil sa pag eexplore ko lalo na at na engganyo na ako sa paggawa ng isang application. Balak kong gumawa ng isang app para sa lahat kapag nagkaroon na ako ng gamit sa pag cocode.
"Oh san ka galing Drex? Ano 'yang dala mo?" tanong ni Belle
Umupo siya sa tabi ko at hinarap ako. Nakasunod lamang ang tingin naming lahat sa kaniya at hinihintay ang mga sususnod niyang gagawin. May kung ano siyang dala na bigla niyang inangat at maingat na ti-nap sa namumula kong pisngi. Medyo nag flinch ako sa naramdamang lamig mula sa bagay na iyon.
"Don't move, ice pack lang 'to, para hindi na siya ma swollen." mahinahon niyang sambit
Nakahawak siya sa baba ko at seryosong tina-tap ang ice pack. Habang ginagawa niya iyon ay pinasadahan ko ng tingin ang buong mukha niya. Mukha siyang may lahi dahil sa hulma ng mukha niya. Pati ako ay napapatulala sa mukha niya? Impossibleng single ang gantong tao.
"May something ba sa inyo?" si Jasper na nakahalumbaba katabi si Belle na kaparehas ng postura ni Jasper
Sabay naming nilingon ang dalawa at sabay ding ibinalik ang tingin sa isa't isa. Ilang segundo kaming nagkatitigan ng umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay hindi lang pisngi ang namumula kung hindi ang buong mukha ko na. I hate myself! andito nanaman ako sa phase na 'to.
YOU ARE READING
Love Developer(IT Series #3)
RomanceInformation technology is Aezhi's third preferred course due to her elder brother's influence. She unfortunately failed the other courses. She once or twice decided to make an app because she was starting to like what she do as an IT. Due to a few i...