"So, I love you because the entire universe conspired to help me find you."Maingat akong nakapwesto sa gilid upang kuhaan ang eksena ng ipoproduce kong film. Agad kong ipinatigil ang dalawang gumaganap nang hindi parin nila nakuha ang tamang pag acting.
Ilang taon na ang lumipas nang makapagtapos ako ng kolehiyo. Ang mga kwentong sinusulat ko noon ay napapanuod na ng maraming tao. Hindi man ako nakapag aral ng gusto kong kurso na Media Arts ay nakakapag produce naman ako ng mga film.
"10 minutes break" sigaw ko matapos masapo ang noo
Binuksan ko ang hawak na camera at chineck ang bawat video na nakuha.
Umupo ako sa ilalim ng puno roon. Napaka presko ng hangin at napakaganda ng tanawin. Napagpasyahan kong dito i shoot ang scene ng ending ng film. Mapayapa.
"Zaia, nakita mo na ba yung bagong article ngayon?" Aniya Sele habang nakatutok sa hawak niyang tablet
Nagtataka ko siyang nilingon. Lumapit siya saakin at tumabi sa kinauupuan ko. Inisscroll down niya ang binabasang article at ipinakita saakin.
Today's news
Love Developer anonymous creator reveals itself as the app continuously trending and used by many users.
"Don't tell me nag pa interview ka na?" hinarap niya ako at hinihintay ang sagot sa katanungan niya
Hinablot ko sa kanya ang hawak niyang tablet at inulit ulit basahin ang article. Hindi pwedeng mamalikmata ang ako sa nakikita ko. Mukhang legit din naman ang article.
Nanatiling anonymous ang creator ng app na iyon at walang balak magpakilala sa publiko sa di malamang dahilan. Walang ibang nakakaalam kung sino iyon kung hindi iilang tao lamang. Si seila na kaibigan ko simula pa noong highschool at ako na mismong creator.
Maliban sa pag poproduce ng film ay isa din akong creator ng umuusbong na dating app ngayon na tinatawag na Love Developer. Recently ko lang ni launched ang app na iyon na noong kolehiyo ko pa ginawa at hindi ko aakalaing marami ang gagamit noon.
Ipinagtataka ko lamang na nagkaroon ng article na nagpakilala ang anonymous creator, dahil sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako nag papainterview at wala akong balak mag reveal ng identity.
"you already know that I'll never going to reveal myself" seryosong sagot ko
That's literally a fact. It depends pa rin whether I'll have to and I'll need to intoduce myself to the world. Sa ngayon hindi ko plano na makilala ang pangalan ko and that's because I have a deep reason.
"So kung hindi ikaw yon sino ang umaangkin ng app mo?" Nag aalala niyang tanong
Agad kong binalikan ang article para i-check kung mapagkakatiwalaan ba ang link na iyon. As a graduate of Information Technology marami akong natutunan sa mga social media platform at kung ano-anong ma eexplore sa laptop.
I have to make sure. Hindi pwedeng mapunta ang identity ng pagiging anonymous creator ko sa taong nasa article na ito. Kailangan kong mahanap kung saan ba ito galing o kung sino man ang gumawa nito. If ever, I will watch every interview sa show na ito. Everything has a flaw and finding it will be the only clue to the truth.
Habang nakatitig sa tablet ay napansin ko ang pinakadulo ng article kung saan ay may naka italic na quote.
"Can't wait to meet my anonymous creator"
This isn't a flaw but rather a message!
YOU ARE READING
Love Developer(IT Series #3)
RomanceInformation technology is Aezhi's third preferred course due to her elder brother's influence. She unfortunately failed the other courses. She once or twice decided to make an app because she was starting to like what she do as an IT. Due to a few i...