Simula ng maibigay ni Vincent ang laptop saakin ay nag simula na akong mag aral sa pag develop ng software. Sinimulan ko na rin ang pag iinstall ng mga application tulad nalang ng pycharm. Nag explore na rin ako sa paggamit ng visual code na siyang inirekomenda ni Jasper saakin sa pag cocode.
Natuwa ako nang may nasimulan na ako sa pag gawa ng application. Balak kong gumawa ng dating app na nag rorole play ng character na pwedeng makipag communicate sa ibang user. Natuwa kasi ako sa nilalaro ko na app noong highschool ako kaya naman nainspire ako gumawa.
"Last practice na natin this week kaya naman ay pinayagan tayo na ma excuse sa pang hapon na subject natin" Anunsiyo ng Team captain
Lahat kami ay nakaupo sa sahig at nakikinig sa iba pa nitong paalala. Next week na ang Intercollegiate kaya naman batak ang mga players ng bawat ball games.
Sa di kalayuan ay nahagip ng mata ko si Elix. Hindi pa nga pala ako nakakapag pasalamat sa kaniya sa paghatid sa akin noong nakaraan dahil mabilis akong sumakay ng jeep matapos mahiya sa ginawa ko. Simula kanina ay iniiwasan ko na siya dahil masyado akong nahiya sa tinanong ko.
Nahihiyang naglakad ako pabalik sa pwesto namin kanina at hindi na nilingon pa si Elix.
"Villareal! may naghahanap sayo sa labas" sigaw ni Ethan, player din ng basketball.
Nagmamadaling tinungo niya ang labas ng habibi. Wala sa wisyo kong sinundan si Elix at naabutan na may kausap na babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung babae sa banyo na nag approach saakin. Short hair with glasses at maputi. Tumago ako sa gilid ng pader at pinanuod lamang sila.
"Dinalhan kita ng extra tshirt and towel" aniya ng babae
Masayang inabot ito ni Elix at ipinatong sa balikat. Kakaiba ang mga ngiti nito sa harap ng babae, tila ay isang batang pinayagan na maglaro sa labas. Bakit ganon na lang ang ngiti niya sa babaeng iyon.
"Salamat Ali, manunuod ka ba ng practice ko?" tanong ni Elix
"Of course, I love watching how you play" hinawakan niya ang pisngi ni Elix at hinalikan ito
Natulala ako sa nakita.
So may girlfriend siya.
Hindi ako mapakali sa nararamdaman. Eto nanaman ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Bakit parang kumikirot ang dibdib ko? Bakit ko nararamdaman 'to?
Matamlay akong bumalik sa loob at umupo sa pinakagilid ng upuan. Kanina ay maayos pa naman ang pakiramdam ko ngunit ngayon ay bigla akong nanghina. Pinakiramdaman ko ang dibdib ko at isa lang ang iniisip. Hindi kaya infatuation lang to?
"Hindi maganda ang laro mo Zaia, ayos lang ba ang pakiramdam mo?" sinapo ni Sele ang noo ko "hindi ka naman mainit" dagdag pa niya
Maagap akong nagpaalam sa kanila at dumiretso na sa bahay. Sinalubong uli ako ni lola ng yakap at halik. Nawala ang mga bumabagabag saakin ng maamoy ang luto ni lola, sapin sapin.
"hmm, sarap naman nito lola. The best talaga ang luto ng lola ko" mabilis kong naubos ang kinuha kong isang kutsara
Hindi maipinta ang ngiti niya ng purihin ko ang luto niya. Kumain kami ng hapunan at maagang natulog dahil bukas ay matindihang araw nanaman dahil puno ang schedule ko.
"So let's start the practice, lumapit sa kaniya kaniyang partner" utos ni Dorothy na siyang magtuturo ng sayaw
Tumalikod ako upang hanapin si Drex nang bigla akong mauntog sa dibdib niya. Nasa likod ko lang pala siya kanina pa, bakit hindi ko man lang napansin?
"Okay, face each other." dagdag ni dorothy at agad naman naming sinunod
YOU ARE READING
Love Developer(IT Series #3)
RomanceInformation technology is Aezhi's third preferred course due to her elder brother's influence. She unfortunately failed the other courses. She once or twice decided to make an app because she was starting to like what she do as an IT. Due to a few i...