Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 47
** three chapters na lang po at epilogue na, matatapos na. Yay! Gusto ko lang mag-thank you sa mga nagsubaybay nito kahit ang tagal ko mag-update saka natagalan bago matapos :) then sa mga lagi nagcocomment. Lam nyo na kung sino kayo. =)
*Courtney's Pov*
Agad ko syang nakita pagkapasok ko ng amusement park. Huminga ako ng malalim habang papalapit sa kanya. Ilang beses kong pinag-isipan ang desisyon ko bago ako makasiguro. Kung ano ba ang tama at sa tingin ko ay magpapasaya sa akin. 17 pa lang ako at dapat di ko muna inaatupag ang mga ganitong bagay. Dapat bago ko sinagot si Enzo dati, pinag-isipan ko munang maigi kaso nagpadalos dalos ako. Inuna ko muna ang pleasure na makukuha ko bago ko inisip ang magiging resulta. Puso ang pinairal ko at hindi ang utak. Oo, huli ko na narealize ang mga bagay na yun. Pero kahit ganun pa man ang nangyari, madami naman akong natutunan. Mga bagay na dapat isipin muna bago gawin.. bago magdesisyon para sa huli walang pagsisisihan o panghinayangan. Na di naman mahalaga ang paghihiganti porke nasaktan ka. Parte yun ng buhay para may matutunan ka.. Para ihanda ang sarili mo sa mahihirap na pagsubok ng buhay na darating pa.
Ang mga pinagdaanan ko ay alam kong huhubog sa akin bilang mabuting tao. Labo ba ng paliwanag ko? O malalim lang? Siguro sinadya NIYA talagang mangyari yun para may matutunan ako. Para magkaroon ako ng tiwala sa sarili ko. Para malaman ko kung ano ang kahinaan ko at ang strength ko. May mga bagay na kelangang masaktan muna para may marealize..
" Courtney.. " agad nyang sabi nung nakalapit na ko ng husto sa kanya. Nakawhite shirt sya at maong na puti. Uhh? All white sya ah.. Purity? :D
" Kanina ka pa ba dito? " tanong ko.
" Di naman masyado. Mga 10mins. lang. Bakit mo ba ako pinapunta dito? Anong meron? " mabagal akong naglakad saka nilagpasan sya patungo sa isang rides.
" May sasabihìn ako sa'yo.. "
" Tungkol saan? "
" Tara, roller coaster muna tayo.. " mamaya ko na sasabihin. Sa totoo lang, kinakabahan ako.
Wala syang reklamong sumunod sa akin. Bumili kami ng ticket at agad na sumakay. Napakapit ako ng mahigpit sa hawakan nang mag-umpisa ng umandar ang roller coaster na agad ding hinawakan ni Enzo ang kamay ko na ikinagitla ko. Ngumiti sya sa akin at nagsalita, " Just face your fear. " Okey? Nahalata nya marahil na kinakabahan ako. Sa sasabihin ko at sa sinasakyan namin, sinong di kakabahan di ba?
'Just face your fear'
Linyang ginamit ko rin habang pinag-iisipan ang desisyon ko. Natatakot akong bigyan ng pagkakataon si Enzo dahil baka maulit muli ang nangyari pero tama naman si Kuya eh. Kung masaktan muli ako sa gagawin ko, atleast sinubukan ko. Na kay Enzo na kung sasayangin nya ang pagkakataon na ibibigay ko. No regrets sa huli di ba?
Sa buong oras na nakasakay kami sa roller coaster, tili lang ako ng tili. Kahit papaano naibsan ang kabang nararamdaman ko sa pagsigaw ko.
" Nakakaliyo naman yun! Whew! " narinig kong reklamo niya nung nakababa na kami. Ako nga rin eh medyo nahilo. Ikaw ba namang itaas baba at iikot, di magrambol bituka mo sa tiyan. Pshh!
" Oo nga eh.. " sagot ko na lang.
" Uy, ano ba talaga ang sasabihin mo? Masyado mo namang pinapabitin e. Ano ba yun? " kinulbit nya ako at pinaharap sa kanya. Minasdan ko ang mukha nya. Naging irregular na naman ang tibok ng puso ko. Hanggang ngayon, matindi pa rin ang epekto nya sa akin kahit madami na ang nangyari.. Kahit nagbago pa ang itsura ko at ayos.

BINABASA MO ANG
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomantikIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794