Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 41
" Kung wala ka pang mali, wala ka pang nagagawa."
*Courtney's Pov*
Kung di siguro ako nakaharness, malamang nahulog na ko sa zipline na yun. Nakakagulat naman ang pagsigaw nya ng ganun. As in sobra! Pumunta kami sa park pero i am not thinking na eto ang mangyayari. Di ko alam na yung inaassume ko nung nakaraan ay totoo pala. Seryoso talaga sya sa pagsabi nito at di tipo ni Blue ang mang-echos. Speechless ako!
" MAHAL NA MAHAL KITA, NEY! MAHAL KO SI COURTNEY! MAHAL NA MAHAL! HIGIT PA SA PAGKAKAIBIGAN. MAHAL KO SYA! " tiningnan ko lang sya with wide eyes at parang papasukan na ng langaw ang bibig ko sa sinabi nya. Eeh! Nagtitigan lang kaming dalawa habang hawak nya ang kamay ko. Yung kabang nararamdaman ko sa pagsampa sa cable wire ay mas lalong nadagdagan sa sinabi nya.
Nang makarating na kami sa dulo ng cable wire. Di ako makapagsalita. Ano ang sasabihin ko sa kanya? Ang nararamdaman ko lang para sa kanya ay bilang pagkakaibigan lang. Nothing more, nothing less! Just pure friend. Bestfriend na nga ang turing ko sa kanya e. Mahalaga sya sa akin pero hanggang dun lang yun kaso ayaw ko namang masaktan sya. Anong gagawin ko?
" Ney, drinks oh! " inabot nya sa akin ang binili nyang softdrink. Di pa rin ako makaget over kahit kanina pa nya yun sinabi sa akin.
" Salamat. " kimi kong sagot. Naiilang ako lalo na ngayong alam kong may nararamdaman pala sya akin.
" Di naman kita minamadali e. I willing to wait hanggang sa tuluyan mo ng makalimutan si Enzo. I know your still inlove with him. Nakikita ko yun sa mga mata mo.. " sinulyapan ko sya habang iniinom ang softdrinks na binigay nya.
Mahal ko pa nga si Enzo pero galit ako sa kanya. Nangingibabaw ang galit na nararamdaman ko ngayon kesa sa pagmamahal ko sa kanya. Dahil sa kanya, kaya ako ngayon ganito. Nagbago ako nang dahil sa kanya.
" I'm sorry, Blue. Sorry talaga! Kaibigan lang talaga ang turing ko sayo at ayaw kong masira yun dahil sa nararamdaman mo sa akin. " hinawakan ko ang kamay nya. Ayaw ko ngang saktan sya pero ayaw ko naman ding magsinunangaling sa kanya. Di ako si Enzo na pinapaasa ang tao.. I'd better tell the truth sa umpisa pa lang. " Ayaw kong umasa ka. Ayaw kong maghintay ka dahil sa totoo lang, di ko alam kung kelan mawawala 'tong nararamdaman ko para kay Enzo at hanggat nararamdaman ko to. Di ako maaaring magmahal, kung mawala man parang di ko pa kayang magmahal muli ng ganun kabilis matapos ng nangyari sa akin.. Di madali ang magmove on at makalimot. Natatakot na kong masaktan muli.. At ayaw kong maging rebound ka.. " gwapo naman sya, mabait pero wala e. Hanggang dun lang talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.
" I understand.. Alam ko naman yun eh kaso nagbasakali lang ako. Gusto ko lang aminin 'tong nararamdaman ko para sa'yo. Ney, kahit mahal mo pa sya. Hayaan mong mahalin pa rin kita. I'll wait for the time na pwede na.. kung meron nga nun. Di ako mawawalan ng pag-asa.. " nakita kong nalungkot sya sa sinabi ko. Di ko naman sinabing mahalin nya ako e. Hayy! :c " Di ko alam na pagtuklas ko ng isang pustahan ay dun din matuturo kung sino ang babaeng mamahalin ko ngayon.. Di natapos ang lahat sa pagkaalam ko lang ng totoo.. Di ko pinagsisihang naging parte ako ng buhay mo, Ney. Wala man akong naitulong para di matuloy ang pustahan, naandito naman ako para maging kasama mo sa lahat ng oras. Karamay sa kalungkutan mo.. Sa oras na kelangan mo ng kausap at kasama. "
I breathed and i smiled.
" Ako man. Masaya akong nakilala kita.. Natatawa nga ako sa ideyang COMPATIBLE tayo kasi tayo daw yung MR. NERD at MS. NERD sabi ng ilang estudyante! Siguro nga, bagay tayo kung titingnan. "
![](https://img.wattpad.com/cover/1286627-288-k973818.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794